OCD, hinikayat ang publiko na pakinggan at sundin ang El Niño advisories, warnings
- Published on May 6, 2023
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na pakinggan at sundin ang mga advisories ng awtoridad hinggil sa El Niño at magpatupad ng kinakailangang hakbang bilang paghahanda para sa epekto ng nasabing phenomenon.
Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang monitoring status mula sa El Niño watch sa El Niño alert, araw ng Martes.
Sa isang memorandum, may petsang May 3, inatasan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang regional DRRMCs at OCD regional offices na magpatupad ng “preparedness actions” kabilang na ang mahigpit na pagmo-monitor sa warnings mula sa PAGASA, pagpapalabas ng mga paalala ukol sa water at energy conservation, pagpapanatili ng water distribution systems para maiwasan ang pag-aaksaya.
“This also includes the strengthening of risk communication and localization of warnings and reminders to communities, adherence to the public health advisory for El Niño and minimum health standards for Covid-19 issued by the Department of Health, and the submission of regular reports to NDRRM Operations Center,” ayon sa ulat.
Ang interagency meeting ay idinaos noong Abril 24 kung saan pinamunuan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.
Binigyang diin ni Nepomuceno ang pangangailangan na kilalanin at pagsama-samahin ang short term solutions, medium term at long term solutions ng mga concerned government agencies para sa El Niño phenomenon.
Ang komposisyon ng panukalang El Niño team na pangungunahan ng Department of the Interior and Local Government, ay ipinresenta ng OCD, magsisilbi rin bilang team co-chair, kasama ang Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy, Department of Health, Department of Science and Technology, National Economic and Development Authority, National Irrigation Administration at Metropolitan Waterworks and Sewerage System bilang mga miyembro.
Maroon itong support team na binubuo naman ng Presidential Communications Office, Department of Trade and Industry, National Water Resources Board at Armed Forces of the Philippines.
Araw ng Miyerkules, Abril 3, nagpulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para pag-usapan ang mga paraan tungo sa paghahanda para sa El Niño.
“Let’s work together to make sure that we will be able to comply with the President’s (Ferdinand R. Marcos Jr.) guidance and do what is expected from us in the first place,” ang pahayag ni OCD deputy administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa isang panayam.
Ang El Niño Watch ay naging epektibo mula Marso 23 hanggang Mayo 1 bago pa itaas ng PAGASA ang monitoring status sa El Niño Alert.
“PAGASA has been continuously monitoring the developing El Niño conditions in the tropical Pacific. Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season (June-July-August) at 80 percent probability and may persist until the first quarter of 2024. With this development, the PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System is now raised to El Niño Alert,” ang sinabi ng state weather bureau sa isang advisory nito.
“El Niño increases the likelihood of below normal rainfall conditions which could bring negative impacts such as dry spells and droughts in some areas of the country,” dagdag na wika ng PAGASA. (Daris Jose)
-
Pagtakbo bilang VP, oportunidad na palawakin ang naaabot ng serbisyo- Mayor Sara
SA kabila ng mahirap na desisyon ay pinakinggan at pinili pa rin ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na magsilbi sa bansa. Matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para reelection noong Oktubre 2, patuloy pa rin ang panawagan ng kanyang supporters na tumakbo sa mas mataas […]
-
Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs
NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol. Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa […]
-
Pagkontrol sa inflation ‘pinakamahalagang’ isyu sa 63% ng Pinoy — Pulse Asia
PAGKONTROL sa inflation ang nag-iisang national concern na “urgent” para sa karamihan ng Pinoy ayon sa Pulse Asia — ito ngayong pinakamabilis sa buong Southeast Asia ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ng survey firm ngayong Martes sa kalalabas lang nilang June 2023 Ulat ng Bayan survey […]