OCTA, HINDI NANGANGAMBA SA PANIBAGONG SURGE
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI nangangamba ang OCTA sa panibagong surge ngayong holiday season matapos na walang namo-monitor na panibagong ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan kung saan inaasahang maglalabasan ang mga tao.
Ayon ito kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David at sinabi na maliban sa isa na mula Delta variant o ang tinawag na sub-variant na sinasabing sampung porsyento na mas nakakahawa ay wala nang iba pa na nakikitang panibagong variant.
Ayon kay David, marami na rin ang nababakunahan partikular sa National Capital Region (NCR) pero paalala nito na dapat makasabay ang mga nasa probinsya kung saan mataas ang vaccine hesitancy ng mga tao.
Bagama’t wala silang namo-monitor na posibleng surge ng COVID-19 sa ngayon, ang publiko ay dapat pa ring magpatuloy sa contact tracing, testing, quarantine at isolation.
Dapat ding patuloy ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standard upang maiwasan ang posible pang hawaan ng naturang sakit
Dagdag pa nito hanggat maari ay iwasan rin ang mass gathering at panatilihin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing para tuluyang bumaba ang kaso ng Covid sa bansa. (GENE ADSUARA)
-
Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa
AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon. Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]
-
P15 million adhesive cement products, nasamsam ng NBI
NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P15 milyong halaga ng pekeng adhesive cement products sa magkahiwalay na bodega sa National Capital Region at sa Central Luzon kasunod ng reklamo ng isang kumpanya. Sa ulat, sinalakay ng NBI Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga tindahan at bodega sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, […]
-
Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon
Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero. Ayon kay Col. […]