OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR.
Mayroon daw silang ginagawang dalawang vaccine models na may iisang layunin para mapabuti ang pagsasagawa ng vaccination program.
Maari aniyang magreklamo ang ibang rehiyon subalit dapat isipin na ang malaking bilang ng kaso ng COVID-19 ay naitatala sa NCR at Calabarzon, Rizal at Bulacan.
Kapag aniya na natugunan ang nasabing problema sa nabanggit na mga lugar ay tiyak na mayroong epekto ito sa ibang mga rehiyon.
Dapat daw nakatuon ang gobyerno sa lugar kung saan mayroong mataas na kaso ng COVID-19 na ito ay ang NCR at Calabarzon.
-
WATCH THE NEW INTERNATIONAL TRAILER OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”/THE TREASURE HUNT IS ON IN THE FIRST TRAILER OF “UNCHARTED”
UNCOVER the past. Protect the future. Watch the new international trailer of Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, exclusively in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/vstFiU4r-Cc And in case you missed it, watch what went down at the recent New York Comic Con during the Ghostbusters: Afterlife panel. Check out the sizzle reel and photos below. […]
-
GUMAWA NA NG HAKBANG KONTRA OMICRON COVID VARIANT
PINAKIKILOS na ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na gumawa ng mga depensibong hakbang laban sa Omicron COVID-19 variant. Ang panawagan ng WHO ay Dahil kumalat na ang nasabing variant sa iba pang mga bansa. Hinikayat ng WHO ang mga bansa na rebyuhin ang kanilang pagtugon o national response […]
-
Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec
Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19. Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping. Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas […]