OCTA research, tiwala sa hakbang ng gobyerno na ituloy na ang pagsasagawa ng face to face classes
- Published on July 15, 2022
- by @peoplesbalita
TIWALA ang OCTA Research sa desisyon ng gobyerno na ipilit ang face to face classes sa darating na Agosto para sa school year 2022- 2023.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David na tiwala silang naging mabusisi ang gobyerno para pagpasiyahang ikasa na ang face to face ng mga mag- aaral.
Sa katunayan ani David ay suportado nila ang naturang hakbang ng gobyerno lalo nat naging matagal ang pagkakatengga ng mga estudyante sa kani- kanilang mga tahanan.
Sinabi pa nito na naka- apekto din aniya sa education quality ang matagal na pananatili ng mga bata at kawalang interaksiyon sa kapwa nila mag- aaral bunga ng pandemya.
Kaya dapat lamang aniya na ituloy na ang face to face lalo na’t hindi na naman ganoon kataas ang wave of infection na nakikita ngayon.
“We support iyong face-to-face classes, kasi ang tagal nang nakakulong iyong mga bata lalo na iyong mga students natin and this is affecting their education quality pati rin iyong productivity. Hindi ako makakapag-comment about iyong preparations na ginagawa ng mga concerned institutions,” aniya pa rin.
“Siyempre, I trust that they’re doing their due diligence. I think we have to push through with the face-to-face classes, lalo na kung hindi naman ganoon kataas iyong wave of infection na nakikita natin ngayon,” dagdag na pahayag ni David. (Daris Jose)
-
Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP
Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga ‘granular lockdowns’ ang mga local government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority […]
-
Next na Valdez, Santiago hahagilapin ng PNVFI
BUBUHAYIN ni Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang age-group indoor volleyball upang makatuklas ng mga susunod sa kasalukuyang mga sikat na balibolista. Ilan sa mga ito ang kagaya nina Premier Volleyball League (PVL) standout Alyssa Valdez, mag-ate na sina Philippine SuperLiga (PSL) veterans Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Aleona Denise […]
-
Bibigyan din ng special award si Sharon: VILMA at ALDEN, tinanghal na Best Actress at Best Actor sa GEMS Awards
ANG GEMS Hiyas ng Sining ay isang samahang nagbibigay- pagkilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng PANULAT, DIDYITAL,TANGHALAN, RADYO, TELEBISYON, at PELIKULA. Magdaraos na ng live o virtual awarding sa itatakdang petsa at lugar sa taong ito. Narito na ang mga nagsipagwagi at pagkakalooban ng espesyal na karangalan sa 8th […]