• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA

IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon.

 

 

Sa ilalim ng odd-even scheme, ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa ‘odd numbers’ ay pagbabawalan na gumamit ng ilang lansangan tuwing araw ng Lunes at Huwebes habang ang mga may license plates naman na nagtatapos sa ‘even numbers’ ay pagbabawalan tuwing Martes at Biyernes.

 

 

Bilang pagsunod sa modified number coding scheme, ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4 ay kailangan na ‘off the road’ tuwing araw ng Lunes; 5, 6, 7, 8 tuwing araw ng Martes ; 9, 0, 1, 2 tuwing araw ng Miyerkules; 3, 4, 5, 6 tuwing araw ng Huwebes at 7, 8, 9, 0 tuwing araw ng Biyernes.

 

 

Sa ilalim ng kasalukuyang scheme, ang mga sasakyan na mayroong license plates na nagtatapos sa 1 at 2 ay kailangan na manatili sa bahay tuwing araw ng Lunes; 3 at 4 tuwing araw ng Martes; 5 at 6 tuwing araw ng Miyerkules; 7 at 8 tuwing araw ng Huwebes; at 9 at 0 tuwing araw ng Biyernes.

 

 

“Odd-even scheme will result in 50 percent traffic volume reduction, while the modified number-coding scheme was pegged at 40 percent and the current system at 20 percent,” ayon kay Artes.

 

 

Ang lahat ng coding schemes ay ipatutupad mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

 

 

Sa kabilang dako, ipinanukala rin ni Artes na ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila Artes ay maaaring mag- operate mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon bilang pagsunod sa sinasabing “daylight savings time.”

 

 

Ipinanukala rin nito ang 4-day work week, kung saan ang mga empleyado ay maaaring magtrabaho ng 10 oras para sa apat na araw kada linggo o maaaring magtrabaho ng apat na araw ‘onsite at ‘work at home’ para sa isa pang araw.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na ang panukalang work scheme ay tugon sa hirit ng mga labor groups na pagpapagaan sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo na matindi ang epekto sa mga mananakay.

 

 

Subalit, kinontra naman ito ng adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi nito na ang panukalang four-day work week o hybrid work scheme ay hindi “suitable” o angkop sa lahat ng uri ng negosyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Scrimmage ipu-push ng PBA sa May 16

    Puntirya ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang scrimmage ng mga teams sa Mayo 16 kung bibigyan ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).     Ito ang isa sa mga tatalakayin sa pakikipagpulong ng pamunuan ng liga sa local government unit sa Batangas na magsisilbing training venue ng ilang PBA teams.     […]

  • ANIME-ZING NOVEMBER AT THE CINEMAS

    DEVOTED anime fans and film enthusiasts can look forward to a jampacked November with the successive release of anime films along with a live-action Japanese film best seen and experienced at the cinemas.      “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes” leads two young people to Urashima Tunnel, a mysterious tunnel that can […]

  • Organized crime group, tumira kay Degamo – PNP

    ISANG organized crime group ang nasa likod umano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.     Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, ang matataas na kalibre ng mga baril na gamit ng mga suspek, mga sasakyan at suot na uniporme ng law enforcement agencies ay indikasyon […]