• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Official poster ng ‘Rewind’, punum-puno ng elemento: MARIAN, gustong i-rewind ang bawat moment na kasama si DINGDONG

NI-REVEAL na ang official poster ng “Rewind”, ang reunion movie nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, at isa sa ten entries sa 2023 Metro Manila Film Festival. Ang “Rewind” ay collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Media.

 

 

Inilabas naman ang first trailer ng movie noong Nobyembre 13, na nakatanggap ng magagandang feedbacks at kani-kanilang haka-haka sa istorya ng pelikula.

 

 

Sa in-upload na poster ni Dingdong at Star Cinema last Thursday, makikitang parang nagsasayaw at magkahawak-kamay ang mag-asawa.

 

 

Naka-red dress si Marian, habang suot naman ni Dingdong ang white long sleeves at green blazer.

 

 

Reaction naman ng mag-asawa sa naturang poster reveal na ginawa sa labas ng ABS-CBN…

 

 

“Ang daming elemento ang makikita sa poster, may elemento ng clock, may elemento ng sumasayaw. So, lahat ng ‘to, sumasagisag sa munting detalye ng pelikula.

 

 

“Kaya abangan n’yo, kung bakit ganito ang itsura ng poster, at sobrang gandang-ganda kami. So, hanep, wow!,” say ni Dong.

 

 

Hirit naman ni Yan, “‘yung picture dito ni Mary, umiiyak pero may ngiti. Bakit kaya? Malalaman natin, kapag pinanood na natin ng ‘Rewind’.”

 

 

Dagdag pa ng award-winning host and actor, “seeing ito for the first time ang poster na ganitong kalaki, grabe. Nakakatuwa na may event talaga for this.

 

 

“At para sa amin, ganitong kahalaga ang project at personal sa amin sa ito. Kaya gusto namin, mas maraming mapanood, as much as possible.”

 

 

Natanong din ang mag-asawa sa interview ng ABS-CBN, kung ano ang gusto nilang i-rewind.

 

 

Inalala ni Dingdong yun first time nagkakilala ni Marian sa loob ng isang studio, at ‘yun daw ang moment na hinding-hindi niya yun makalilimutan at gustong balikan.

 

 

Pantapat naman ni Marian, “siguro kahit ano, basta puwede kong i-rewind na kasama siya. Wala akong moment na kasama siya na hindi ko pinagpasalamat sa Panginoon.”

 

 

Ang “Rewind” na family drama film na may mga touch ng magic realism ay mapapanood na simula sa December 25, at ito nga ang pagbabalik ng DongYan sa big screen na huling nagtambal 2010 film na “You to Me Are Everything.”

 

 

Siguradong paiiyakin tayo nina Dingdong at Marian sa darating na Kapaskuhan. And for sure, mapapansin din ang husay nila sa pag-arte.

 

 

Kaya sa tingin namin, may laban sila sa category ng Best Actor at Best Actress.

 

 

Best of luck, DongYan.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Salary adjustment sa 2023 siniguro ng DBM

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa  susunod na taon.     Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno.     “The Department of Budget and Management […]

  • Sakaling palarin ang PBA Partylist ni Rambo: MAJA, magiging asawa na ng isang Congressman

    ISA nga sa nagpadala ng mensaheng pagbati ang PBA (Puwersa ng Bayaning Atleta) Partylist para sa kanilang representative na si Rambo Nuñez at sa kanyang fiancée na si Maja Salvador.     Ayon sa kanilang statement, “The PBA Partylist would like to congratulate our very own Rambo Nuñez and the beautiful Maja Salvador on their […]

  • Naitatalang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila, patuloy na bumababa – DOH

    PATULOY na bumababa ang naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH).     Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nananatili sa ilalim ng moderate risk case classification ang rehiyon.     Naobserbahan din na ang bilang ng bagong covid-19 cases sa buong bansa ay nasa downward trend, […]