• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oil petroleum exporting countries nag-anunsiyo ng pagbawas ng 2 million barrels kada araw

INANUNSIYO ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC+) na babawasan nila ang oil production ng 2 million barrels kada araw kung saan ito na ang itinuturing na pinakamalaking pagbabawas ng produksiyon mula noong simula ang COVID-19 pandemic.

 

 

Ang naturang hakbang ay posible umanong magdulot ng pagtaas na naman ng presyo ng mga produktong gasolina sa international market.

 

 

Ang OPEC+ ay grupo ng mga major oil producers kasama na ang Saudi Arabia at Russia.

 

 

Ang anunsiyo ng OPEC+ ay matapos naman ang kauna-unahan nilang pagpupulong na huling naganap ay noon pang Marso ng taong 2020.

 

 

Sinasabing ang pagbabawas ng 2 milyong bariles kada araw sa produksiyon ay katumbas ito ng 2% sa global oil demand.

 

 

Agad namang naapektuhan ang presyuhan ng tinatawag na Brent crude oil na umangat ang presyo ng 1.5% na katumbas sa mahigit sa $93 kada bariles.

 

 

Ang production cuts ay magsisimula na sa buwan ng Nobyembre.

 

 

Samantala, binatikos naman ng Biden administration ang naging desisyon ng OPEC+ na tiyak na tatamaan ang mga low and middle-income countries na nakakaranas na rin ng mataas na presyuhan ng krudo.

 

 

Ang OPEC at mga kaalyado nito na kumukontrol sa 40% ng global oil production ay umasang mapigilan ang pagbaba ng demand dahil sa economic slowdown sa China, Amerika Europe.

 

 

Naniniwala naman ang ilang analyst na ang pagtaas ng presyo ng langis ay nangangahulugan din na mananatili ang inflation nang matagal at inaasahang magbibigay ng pressure sa Federal Reserve na mas lalong magtataas din ng interest rates. (Daris Jose)

Other News
  • Tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng bagyong ‘Odette’, pumalo na sa mahigit P1.4-B

    PUMALO na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyong Odette.     Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima […]

  • DHSUD, sinimulan na ang cash distribution sa mga biktima ng ‘Kristine’ sa Albay

    SINIMULAN na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng lalawigan ng Albay kung saan ang mga tirahan ay totally o partially damaged na resulta ng pananalasa ng bagyong “Kristine” .     Sa paunang ulat, 60 pamilya mula sa bayan ng Daraga, isa sa […]

  • Pulilan, wagi sa Hari at Reyna ng Singkaban 2024

    LUNGSOD NG MALOLOS- Wagi ang bayan ng Pulilan sa Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa pagkakapanalo ng kanilang Hari na si Mark Lawrence L. Contreras at Reyna na si Maria Faraseth E. Celso sa parehong titulo sa ginanap na Grand Coronation Night sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Biyernes. […]