• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OIL SMUGGLING, PAHIRAP SA MAMAMAYAN

Nakakapagtaka na wala ni isa man sa mga presidentiables ang may plataporma upang tuldukan ang mas malalang problema sa smuggling sa loob at labas ng Bureau of Customs partikular na ang langis at krudo.

 

 

 

May ibat-ibang istilo ang smuggling o tuwira’ng pandaraya ng mga importador nito at nagagawa nila ang pandaraya sa gobyerno bago pa man dumaong ang mga oil tankers sa mga oil depot na destinasyon nito.

 

 

 

Ang pinaka-garapal na gawain ng mga oil importers ay ang magdiskarga ng karga nilang langis sa laot na sinasalo ng mga oil barges o gabarana tinatawag nilang “paihi” sa laot o sa mga tagong isla at direkta nilang idini-deliver sa mga customers nila.

 

 

 

Ang presyo ng mga pangunahing petrolyo na inaangkat natin sa ibang bansa ang nagdidikta sa halaga ng pasahe at presyo ng mga bilihin sa merkado na pinapasan ng mamamayan lalo na kung inuutang pa natin ang pambayad dito.

 

 

 

Panahon pa ni Pres. FERDINAND MARCOS nagkaroon ng mabisang gamit na Water Patrol Boats ang BUREAU of Customs sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner RAMON FAROLAN pero dahil sa poormaintenanceay nasira ito at hindi na pinalitan o bumili ng kapalit hanggang noong 1987.

 

 

 

Walang ginawang hakbang ang limang nagdaang administrasyon upang ma-modernize ang Water Patrol Division ng BOC  sa pagbili ng  magagamit na Water Patrol Boats  at umaasa lamang sa tulong ng Philippine Coast Guards at PNP Maritime Command tuwing may  special operations ang BOC at nito lamang 2021 sa ilalim ng Administrasyon ni Pres. DIGONG DUTERTE muling  nakabili ng Water Patrol Boats ang BOC sa pamumuno ni BOC Commissioner REY LEONARDO GUERRERO.  Samakatuwid ay halos 30 taon pala tayong tila namamana sa dilim sa pagsugpo sa gas at oil smuggling?

 

 

 

May mga produktong petrolyo rin ang pumapasok sa bansa na diumano’y nakakalusot sa tamang pagbabayaran lalo’t  binabago ang deklarasyon ng uri nito o misclasssified sa pagitan ng regular espesyal na klase at kalidad ng mga petrolyong inaangkat natin. Posible ito lalo’t may sabwatan ‘di ba?

 

 

Ang importasyon ng mga pangunahing langis, krudo at gasolina ang pinagkukunan ng malaking bahagi ng buwis na nakokolekta ng BOC kaya dapat na talagang pag-ukulan ng pansin ng gobyerno natin ito dahil dito nakasandal ang karamihan sa industriya ng bansa mula sa kuryentetransportasyonat agrikulturakaya ito rin ang nagdidikta sa presyo ng pamasahe at pagkain.

 

 

 

Marapat lamang na bantayan ng BOC at Department of Finance ang Gas and Oil importations dahil dito nakakakolekta ng malaki ang mga ahensiya ng BOC at BIR na hindi bababa sa P131 bilyon excise tax  bukod pa ang  pinagsamang income tax,  value added tax at documentary stamp  na pangunahing pinagkukuhanan natin ng pambayad sa mga utang ng Pilipinas sa ibang bansa. O baka mas malaki pa ang nakakalusot na hindi naipagbabayad ng buwis dahil sa smuggling.

 

 

 

Malay nga natin. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Other News
  • Janine, ka-level na ni Nora sa pagiging best actress sa Gawad Urian

    GABI ng mga baguhan ang 43rd Gawad Urian na ginanap noong Tuesday night.   First time winners sina Janine Gutierrez, nahirang na Best Actress para sa Babae at Baril which took the lion’s share of the awards, at si Elijah Canlas who was named Best Actor for Kalel, 15.   Unang nominasyon nina Janine at […]

  • Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP

    LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.   […]

  • PVL magbibigay-daan sa national team

    Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games.     Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na […]