• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oil spill sa Oriental Mindoro, malaking banta sa kalusugan ng publiko

IBINABALA  ng isang health expert na isang malaking banta sa kalusugan ng publiko ang tumagas na langis sa may karagatan ng Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.

 

 

Kaugnay nito, nagpahayag ang Health Reform Advocate na si Dr. Anthony “Tony” Leachon para sa pangangailangan na mabilis na matugunan ang oil spill sa Oriental Mindoro na muling iginiit na ito ay maaaring magdulot ng sakit sa mga residenteng nakatira malapit sa mga lugar na apektado ng oil spill.

 

 

Ilan aniya sa mga sakit na maaaring makuha ay chronic lung disease at cancer.

 

 

Hinaing din ng eksperto ang mahinang pagtugon ng gobyerno upang malitas ang sitwasyon dahil tatlong linggio na ang nakakalipas mula ng napaulat ang paglubog ng naturang oil tanker.

 

 

Dagdag pa ni Dr Leachon na mayroong 122 residente na ang napaulat na may sakit sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill at inaasahang madaragdagan pa ito araw-araw.

 

 

Bilang tugon, pinayuhan ang mga local government units (LGUs) ng mga apektadong lugar na lumikha ng “registry” o dokumentasyon ng masamang epekto na nararanasan ng mga residente. (Daris Jose)

Other News
  • MMDA nais panatilihin ‘mandatory face mask’ kahit Alert Level Zero

    GUSTONG  panatilihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sapilitang pagpapasuot ng face masks sa publiko kahit na i-deescalate pa ang ilang lugar sa mas maluwag na “Alert Level zero” sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.     Ito ang ibinahagi ni MMDA general manager Frisco San Juan Jr., Martes, sa panayam ng state […]

  • LRT 1 Cavite Extension matatapos sa 2031

    ISANG opisyal ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator ng Light Rail Transit Line 1, ang nagsabing sa taong 2031 pa matatapos ang Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension.       “For Phase 2 and 3, we are having meeting with the Department of Transportation (DOTr) to be able to commence the construction. […]

  • 11 presidential, 9 VP bets pasok sa tentative list ng Comelec

    Mula sa 15 ay nasa 11 presidential at vice presidential aspirants na lang base sa inilabas na tentative list ng Commission on Elections’ (Comelec) para sa 2022 elections.     Ang presidential bets ay kinabibilangan nina Abella, Ernie; Arcega, Gerald; De Guzman, Leody; Domagoso, Isko Moreno; Gonzales, Norberto; Lacson, Ping; Mangondato, Faisal; Marcos, Bongbong; Montemayor, […]