• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Okey lang sa netizens kung si Ella gaganap na Irene: CRISTINE, napiling gumanap na IMEE pero mas bagay kay TONI o AIAI

IN-ANNOUNCE na ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media account na si Cristine Reyes ang napiling gumanap bilang Imee Marcos at si Ella Cruz naman ang gaganap na Irene Marcos sa upcoming Viva Films na “Maid in Malacañang”.

 

 

Nauna nang ipinaalam na si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang si Imelda Marcos habang ang mag-ama na sina Cesar Montano at Diego Loyzaga ang gaganap na Ferdinand Marcos Sr. at Bongbong Marcos.

 

 

Bukod dito, isiniwalat na rin ni Direk Darryl ang mga gaganap na ‘maids’ na sina Karla Estrada bilang Yaya Santa, Beverly Salviejo bilang Biday at Ms. Elizabeth Oropesa bilang Manang Lucy.

 

 

Iikot ang istorya ng naturang pelikula sa last 72 hours ng pamilya Marcos at mga nagaganap sa palasyo bago ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

 

 

Paglilinaw pa ng direktor, ang Maid in Malacañang ay pagkukuwento lamang “other side of the story”.

 

 

Samantala, super react naman ang netizens kung bakit si Cristine ang napiling gumanap na Imee sa movie ni Direk Darryl:

 

 

“Bakit naman si cristine si imee. Sobrang laki ng gap sa kapatid na si irene na si ella ang gaganap.”

 

 

“Dapat si toni si imee. Magkamukha sila. Or alex haha.”

 

 

“Bat di na lang si Ai ai total gusto humakot ng award.”

 

 

“Pero si irene pretty talaga at tahimik lang sya ha.”

 

 

“Maganda c madam Imee noong kabataan nya.”

 

 

“Pwede pa si Ella as Irene but Cristine as Imee? LOL!’

 

 

“Parang miscast sila, masyadong maganda si Christine para maging Imee, si Toni nalang sana pero baka masyadong mataas TF nya.”

 

 

“Miscast si ella for irene. Ang layo sa itsura. Diyan pa lang sa photo, di hamak na mas maganda si irene.”

 

 

“Si Ella yung nag-t-twerk di ba? Di bagay sa image at personality ni Irene.’

 

 

“Mas bagay si Aiai hindi si Cristine Reyes.”

 

 

“Viva talaga medyo questionable. Una iyong musical biopic ni Isko tapos madalas na content nila gawa ni Daryl Yap tapos ngayon naman mga Marcos. Isama na natin soft porn movies sa Vivamax streaming site nila.”

 

 

“Mas bagay ka kay ai ai… for sure.. maganda kaya c Imee nong kabataan nya…’

 

 

“Boss vic is close sa mga marcos, viva is known too sa mga sexy movies di sila pabebe like star cinema, kung alam mo history ng viva they cater different movie genre.”

 

 

“Masyadong maganda si Cristine para maging Imee.”

 

 

“Kaya pala nagwawala dati si Ella na ma-associate sa pinks lelz siya yun dibaaa?’

 

 

“Bakit yung ella? sophisticated yung mukha nung irene tapos jejemon yung gaganap? lol.”

 

 

“Sanya would be the perfect Imee.”

 

 

“Baka si Ella lang ang tumanggap. Maraming tumanggi na A list or mej kilala na actress na gumanap.”

 

 

“Dapat si Ai ai Delas Alas o kaya Gladys Guevarra ang gumanap na Imee Marcos.”

 

 

“Bakit pa need isa pelikula ang buhay ng marcos? E alam naman lahat ang storya nila. At anong mahalaga don? Kung ordinaryong Pilipino nalang gawan mas mabuti pa…”

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads September 14, 2020

  • Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque

    NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.     “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang por­syentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]

  • PAGBABAKLAS NG ILEGAL CAMPAIGN MATERIALS TULOY SA PAMPUBLIKONG LUGAR

    MAGPAPATULOY lamang sa pampublikong lugar ang pagbaklas ng iligal na campaign materials o ang “Oplan Baklas” ng  Commission on Elections (Comelec).     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ,ang sinuspinde lamang ng Korte Suprema ay ang pagbaklas sa mga campaign materials sa pribadong pag-aari kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO)     […]