Oktoberfest sa Valenzuela City
- Published on October 25, 2023
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, opisyal na binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at ceremonial toast sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga representative mula sa San Miguel Brewery Inc ang unang Oktoberfest na ginanap sa C.J. Santos St., Brgy. Malinta, Valenzuela City kung saan tatlong araw na pagdiriwang ito ng beer at music festival. (Richard Mesa)
-
Hindi pinakanta sa videoke, napraning, kelot nanaga ng kapitbahay sa Malabon
ISINELDA ang 45-anyos na karpintero matapos tangkain tagain sa ulo ang kanyang kapitbahay makaraang magalit nang hindi pinagbigyan na kantahin sa videoke ang paborito niyang kanta sa Malabon City. Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben, kasama ng biktimang si alyas “Michael”, 42, ang kanyang mga kaanak na nag-iinuman […]
-
Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang pangatlong pinakamataas na opisyal sa militar. Pormal namang naupo si Gaerlan sa kanyang posisyon sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo […]
-
Pinas, nagtalaga ng first envoy sa Morocco makaraan ang tatlong dekada
MATAPOS ang 30 taon, muling binuksan ang Philippine Embassy sa Morocco kasama ang bagong envoy sa layong palakasin ang relasyon sa North African state. Si Philippine ambassador to Morocco Leslie Baja, first Philippine envoy sa Rabat matapos ang tatlong dekada ay dumating noong Mayo 2021, isang taon matapos na buksan ang chancery noong […]