Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics.
Ikinuwento ni Paalam ang kanyang mapait na nakaraan at karanasan sa buhay kung saan kumukuha lamang ng basura upang makayanan lamang ang pang-araw-araw na pagkain ng kanyang pamilya.
Dagdag nito, hindi madali ang kanyang buhay ngunit nagbago ang lahat nang umabot siya sa edad na siyam matapos na ma-recruit ni coach Elmer Pamisa sa amateur boxing program.
Kaya naman, pinayuhan ni Paalam ang mga kapwa boksingero na walang imposibleng makamit ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay kung magkaroon lamang ng sipag, pagsisikap at disiplina sa sarili.
Ang tagumpay ni Paalam sa Olympics ay tagumpay din para sa koponan ng amateur ng Cagayan de Oro at nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga boksingero.
-
OPISYAL NG COAST GUARD PATAY SA COVID
NAGLULUKSA ngayon ang buong pamunuan ng Philippine Coast Guard PCG) sa pagpanaw ng isang opisyal nito dahil sa COVID-19. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG sa pangunguna ni PCG Commandant, CG Admiral George V Ursabia Jr sa naulilang pamilya ni CG Admiral Reuben S.Lista Ayon kay Ursabia, ang kanyang liderato sa […]
-
Ads April 18, 2023
-
2 kelot arestado sa baril sa Caloocan
KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]