Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, 2 buwan pa bago ang ‘homecoming’ sa Zamboanga
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpaplano na rin ang Zamboanga City para sa isang makabuluhang homecoming o pag-uwi ng Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Ito’y kahit aabutin pa ng dalawang buwan bago makauwi sa kanyang hometown ang tinaguriang golden girl.
Sa panayam kay Dr. Cecil Atilano, sports coordinator ng Zamboanga City at mentor ni Diaz, matapos mag-quarantine ay hindi naman nila puwedeng ipagdamot si Hidilyn lalo’t tiyak na marami ang posibleng makikipagkita sa kanya partikular sa mga private sector na sumuporta sa kanyang Olympic journey.
At dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na napatugtog ang Philippine national anthem sa Olympics, gusto nilang ipakita at iparamdam ang nationalism at patriotism sa pag-uwi ni Diaz sa lungsod.
Aniya, lahat ng mga establishment at opisina ay magsasabit ng bandera ng Pilipinas hanggang sa makauwi si Hidilyn maliban pa sa mga tarpaulin.
Sinigurado pa ni Atilano na matutuloy na ang matagal na planong pagpapatayo ng monumento ni Diaz.
Samantala, inihayag ni Rev. Fr. Jeffrey Mirasol, parish priest ng Holy Trinity at Parish-spokesperson ng Archdiocese of Zamboanga na naghahanda ang simbahan para sa pagbabalik ni Hidilyn sa hometown nito.
Aniya, mag-aalay ng thanksgiving mass kay Hidilyn kasama ng kanyang pamilya at pangungunahan ito ng bishop ng Zamboanga.
Una rito, sinabi ni Fr. Mirasol na likas na mapagpakumbaba at relihoyoso ang pamilya ni Hidilyn.
Batid nito na ang magandang katangian ng weightlifting champion ang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay.
Nabatid na posibleng hindi rin magtatagal si Diaz sa Zamboanga at babalik rin ito sa Maynila.
-
NCR, hindi pa handa na isailalim sa “normal” GCQ- Sec. Roque
HINDI pa ito ang tamang panahon o maituturing na “bubot” pa para isailalim sa “least restrictive” Modified General Community quarantine (MGCQ) status ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malabo pang isailalim sa “ordinary” GCQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, […]
-
Work-from-home, angkop at mabuti lamang sa panahon ng pandemya-PSAC
HINIKAYAT ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang mga empleyado ng pamahalaan na magbalik na sa kani-kanilang tanggapan at suportahan na ang work -from- office (WFO). Sinabi ng PSAC na ang work- from- home ang isa sa dahilan ng pagbagal ng ekonomiya. Sa katunayan, sinabi ni PSAC Lead for Jobs at […]
-
Ibinalandra ang bonggang singsing… CATRIONA, ni-reveal na engaged na rin sila ni SAM
SA Instagram account ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray last Thursday, February 16, ni-reveal na engaged na sila ng kanyang boyfriend na aktor na si Sam Milby. Caption ni Queen Cat, “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee).” Ipinagmalaki ng beauty queen […]