• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympics ‘di pa rin matutuloy sa 2021

Tokyo – Nangangamba ang organizers ng 2021 Tokyo Olympics na maaaring hindi pa rin matuloy ang summer games kung wala pang made-develop na vaccine o gamot sa COVID-19.

 

Ayon kay Tokyo Olympics organizing committee president Yoshiro Mori, krusyal para sa na-reschedule na summer games ang vaccine o gamot upang matuloy ang event.

 

“It would be whether the coronavirus woe is settling down,” ani Mori. “Specifically, the first point will be that a vaccine or drug has been developed.”

 

Sa isang interview sinabi ni Mori na maaaring hindi matuloy ang na-reschedule na Olympic kung patuloy pa rin ang pagkalat ng coronavirus.

 

“If things continue as they are now, we couldn’t,” ani Mori.

 

Sinabi ni Mori na hindi niya alam ang iisipin kung magtutuloy-tuloy pa rin ang ganitong sitwasyon hanggang sa susunod na taon.

 

Nagsisimula na dapat nitong Biyernes ang napurnadang Tokyo 2020 na sinuspinde noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Muling itinakda ang Games sa July 23, 2021, pero sa isinagawang survey ay malamig ang pagtanggap ng publiko sa Japan para sa pagbubukas ng Olympics sa kanilang bansa.

 

Ayon sa survey na ginawa ng Kyodo News, isa sa apat na tao sa Japan ang gustong i-delay o tuluyan nang ikansela ang Olympics sa kanilang bansa dahil sa takot sa banta ng coronavirus.

 

Karamihan umano sa mga sumuporta sa kanselasyon ng Olympic ay naniniwalang hindi makokontrol ang pandemic bago ang pagdaraos ng summer games.

 

Ilang sa mga opsyon na inilalabas para matuloy ang Games ay ang gawin ang palaro na may limitadong manonood o gawin ang lahat ng event na walang manonood.

 

Pero, kinontra ni Mori ang pinalutang na opsyon at sinabing mahirap para sa kanila ang gawin ang palaro na walang spectators.

 

“If it’s the only way to do it, then it’s something we’d have to consider. If that happens, there might be talk of cancellation,” ayon kay Mori.

 

Sa ngayon, may naiulat ang Japan na  26,300 COVID-19 cases kung saan ang  namatay ay pumalo sa 989.

Other News
  • Omicron kalat na sa 15 lugar sa NCR

    KALAT na ang Omicron variant ng COVID-19 sa 15 lugar sa Metro Manila base sa resulta ng ‘genome sequencing’ ng Department of Health (DOH).     Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang mga partikular na lugar na nakitaan ng Omicron cases na kanya nang tinukoy na ‘dominant variant’ […]

  • National Chess Federation iaapela ang pag-disqualified sa kanila sa 2021 FIDE Online Olympiad

    Iaapela ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-disqualified ng bansa sa 2021 FIDE Online Olympiad dahil umano sa paglabag sa patakaran ng laro.     Kasunod ito sa pagkakadiskubre na isang manlalaro nito ang lumabag sa fair play kaya buong koponan ay na-disqualified.     Nasa pangalawang overall kasi ang Pilipinas sa […]

  • Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador

    “HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas.   Ang brand manager ng Medicol […]