Ombudsman, ibinasura ang mga kaso ni Duque sa ukol sa P41-B pandemic supply
- Published on October 15, 2024
- by @peoplesbalita
IBINASURA na ng Office of the Ombudsman ang mga administrative charges laban kay dating Department of Health (DOH) Sectretary Francisco Duque III tungkol sa mga kinikwestyong pagbili ng mga Covid-19 supplies at Covid kits na nagkakahalaga ng P41 billion noong taong 2020.
Ang mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross neglect of duty na siyang ipinataw kay Duque noong Agosto ngayong taon ay ganap na na-dismiss.
Ito ay matapos na pagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Duque na una nang nahatulan ng ahensya na guilty ang dating opisyal at isa pang kapwa akusado nito noong Mayo 6.
Dahil doon ay tuluyang napatalsik sa pwesto si Duque bilang DOH Secretary.
Siya rin ay inalisan ng mga retirement benefits at perpetually disqualified sa kahit anong government positions o trabaho.
Samantala, nitong Agosto 5 ay pumayag na ang Ombudsman na hindi na siya maaaring maging subject ng administrative complaints dahil matagal nang tapos ang termino nito bilang kalihim ng ahensya. (Daris Jose)
-
Ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila, isasara tuwing Linggo
UMARANGKADA na ang “Move Manila Car-Free Sunday” kung saan sa kabila ng walang tigil na buhos ng ulan ay dinagsa pa rin ng libu-libong indibidwal ang Roxas Boulevard nitong Linggo, Mayo 26. Nabatid sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na si Atty. Princess Abante, tinatayang aabot sa mahigit 3,000 ang […]
-
Thankful sa mga papuri na natatanggap ng teleserye nila ni Khalil: GABBI, ‘di nakalilimutan ang mga pangaral ng ama pagdating sa pakikipagrelasyon
HINDING-HINDI raw nakalilimutan ni Gabbi Garcia ang mga advises ng kanyang ama pagdating sa pakikipagrelasyon. Ayon sa bida ng GMA teleserye na Love You Stranger, pinahahalagahan niya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama. Very close kasi si Gabbi sa kanyang ama kung kanino siya nagmana ng pagiging adventurous. “Laging sinasabi ni […]
-
Nabawasang bulto at halaga ng nasamsam na illegal na droga sa Batangas, walang dahilan para magduda- Abalos
WALANG nakikitang dahilan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para magduda at pagdudahan ang dami at halaga ng napalathalang nahakot na illegal na droga sa Alitagtag, Batangas matapos na mabawasan ito. Giit ni Abalos, dumaan ito sa tamang proseso. Kaya nga ang pakiusap ng Kalihim […]