• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron cases sa Pilipinas umabot sa 1,153 matapos matukoy local ‘sub-variants’

NAKAPAG-DETECT ang Pilipinas ng karagdagang 618 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant infections dahilan para umabot na ito sa libu-libo, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Bahagi ito ng painakasariwang batch ng whole genome sequencing na iniulat ng DOH, UP-Philippine Henome Center at UP-National Institutes of Health ngayong araw, kung saan nasa 677 samples ang sinuri.

 

 

“The 618 Omicron variant cases were composed of 497 local cases and 121 Returning Overseas Filipinos (ROFs),” ayon sa pahayag na inilabas ng Kagawaran ng Kalusugan kanina.

 

 

“As of date, there is a total of five (5) deaths among confirmed Omicron cases, while the total number of confirmed Omicron variant cases is now 1,153.”

 

 

Kabilang sa 497 lokal na kaso ang mga sumusunod:

 

National Capital Region (497)

CALABARZON (71)

Ilocos Region (30)

Western Visayas (30)

Eastern Visayas (28)

Central Luzon (27)

Central Visayas (20)

Cagayan Valley (19)

Cordillera Administrative Region (13)

Davao Region (10)

SOCCSKSARGEN (6)

Bicol Region (2)

MIMAROPA (2)

Northern Mindanao (1)

 

 

Batay sa line list ng DOH, 13 kaso sa mga nabanggit ang hindi pa gumagaling (aktibo) habang dalawa dito ang patay na. Bahagi ito ng una nang naibalita ng DOH na limang namatay dahil sa kinatatakutang variant.

 

 

Nasa 560 na sa itaas ang kinikilalang gumaling na habang 43 pa rito ang bineberipika pa ang kinahinatnan.

 

 

Sa nasabing batch ng whole genomic sequencing napag-alaman ang pagpasok sa Pilipinas ng sari-saring sub-lineages ng mas nakahahawang Omicron variant: ang BA.1 at BA.2.

 

 

Paglilinaw ng kagawaran, ika-31 pa raw ng Disyembre, 2021 nang ma-detect ang BA.2 sub-lineage at napag-alamang bumubuo sa karamihan ng Omicron cases sa sariwang batch.

 

 

“Data gathered by the DOH, UP-PGC, and UP-NIH showed that there is no significant difference in BA.1 and BA.2 characteristics in terms of transmissibility or severity of disease,” kanilang pagdidiin sa isang pahayag.

 

 

“The DOH shall continue to investigate why BA.2 has become more prevalent than BA.1 but so far the detection of BA.2 does not entail any significant change in the COVID-19 response.”

 

 

Tinagurian ang BA.2 bilang “Stealth Omicron” dahil sa katangian nitong mas mahirap ma-detect. Una nang sinabi ni Health Undersecretary Vergeire na pinakakaraniwan ito sa local cases sa bawat rehiyon.

 

 

Samantala, nadagdagan naman ng 35 Delta variant cases sa Pilipinas, bagay na binubuo ng 26 local cases at siyam na ROFs. Dahil dito, papalo na sa 8,647 ang nahawaan ng Delta sa bansa.

 

 

Mula sa nabanggit na variant, isa ang namatay na, 30 ang gumaling at apat pa ang bineberipika ang status.

 

 

Kaugnay ng mga naturang kaganapan, hinihikayat ngayon ng DOH ang publiko na kumpletuhin na ang kanilang COVID-19 vaccine primary series at boosters, lalo na sa mga bulnerable sa virus gaya ng mga matatanda, bata at may sakit.

 

 

Kasalukuyang nasa 3.47 milyon na ang dinadapuan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa pinakahuling datos nitong Miyerkules. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 53,664 katao. (Daris Jose)

Other News
  • Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management

    INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.     Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.     Kung maalala mula pa noong June […]

  • Sey ni SHAMCEY kay RABIYA: “You are already a winner no matter what”

    LAST Tuesday, May 11, nakarating na rin si Shamcey Supsup-Lee (3rd Runner-Up sa Miss Universe 2011), ang director ng Miss Universe Philippines organization para suportahan ang ating pambato sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.     Post ni Shamcey, “After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are […]

  • Ho nagpaalala sa bakuna

    TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa.     Aniya kamakalawa, bago paghinalaan ang iniksiyon para sa pandemic at kumuda ang mga nagmamagaling, dapat alamin kung saan ito […]