• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at mas madaling maipasa sa ibang tao.

 

 

“I think in about three to four weeks, as predicted, the Omicron will be dominant in terms of 50% to 90% of the cases, overtaking the Delta virus,” dagdag pa niya.

 

 

Sinabi pa ni Vega na ang COVID-19 infections ay magpi-peak pa sa mga susunod na araw, at wala pang katiyakan kung mababawasan ito.

 

 

Paliwanag niya, ang Omicron ay may mas mataas na high transmissibility rate, na nasa 30 hanggang 50%, kumpara sa Delta.

 

 

“We are preparing our health system capacity, our testing, isolation so that we are all prepared in this another ride in the wave of this Omicron virus,” ani Vega.

 

 

Samantala, pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng publiko laban sa napaulat na sakit na Florona, na kumbinasyon umano ng trangkaso at COVID-19 at unang natukoy sa isang buntis sa Israel.

 

 

 

Ayon kay Vega, hindi pa ito concern ngayon sa Pilipinas at maaari lamang itong mangyari kung mahina ang immunity ng isang tao at walang anumang proteksiyon laban sa mga virus.

Other News
  • Ads February 2, 2022

  • Donaire aminadong nayanig kay Inoue

    INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakama­lakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career.     Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa […]

  • Ilang kawani ng isang pribadong ospital at security guards kinasuhan ng Valenzuela LGU

    SINAMPAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ilang kawani ng isang pribadong ospital, kabilang ang staff ng credit and collection at security guards ng magkahiwalay na mga kasong serious illegal detention at slight illegal detention sa City Prosecutor’s Office.     Personal na sinamahan ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team […]