OMICRON NAKAPASOK NA SA PINAS, 2 KASO NATUKOY
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang dalawang kaso ng Omicron (B.1.1.529) variant of concern sa bansa .
Ayon sa DOH, ito ay natukoy mula sa 48 samples na na-sequence ng PGC kahapon, Dec.14.
Maliban dito sa dalawang kaso ng Omicron mayroon ding 33 positibo sa Delta (B.1.617.2) variant habang 13 ang walang lineage .
Ang huling sequencing run ay binubuo ng samples mula sa 21 Returning Overseas Filipinos (ROFs), isang foreign national, at 26 local cases mula sa mga lugar na may case clusters.
Ang naturang mga kaso ay mga incoming travelers at kasalukuyan naka-isolate sa facility na pinamamahalaan ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Isa ay Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating mula Japan noong December 1, 2021 via Philippine Airlines flight number PR 0427.
Ang sample ay nakolekta noong December 5, 2021. Ang positibo nitong resulta ay nailabas nitong December 7 at ang kaso ay na-admit sa isolation facility sa kaparehong petsa .
Siya ay kasalukuyang asymptomatic pero may sintomas na sipon at una nang dumating sa bansa.
Isa namang Nigerian national ang isang kaso na galing ng Nigeria on November 30, 2021 via Oman Air with flight number WY 843.
Ang kanyang sample ay nakolekta noong December 6, 2021 at Dec.7 din nailabas ang positibong resulta. Siya ay na-admit at na-isolate sa pasilidad at kasalukuyang asymptomatic.
Tinutukoy na rin ng DOH ang posibleng close contacts sa mga kapwa nila pasahero sa kanilang flights.
Bineberipika ng DOH ang mga resulta ng pagsusuri at katayuan sa kalusugan ng lahat ng mga pasahero ng mga flight na ito upang matukoy kung may iba pang kumpirmadong kaso o mga pasahero na naging symptomatic pagkarating.
Ang mga manlalakbay na dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga flight na ito ay maaaring tumawag sa DOH COVID-19 Hotlines sa (02) 8942 6843 o 1555, o sa kani-kanilang LGUs para iulat ang kanilang status. GENE ADSUARA
-
Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya
INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps. Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro. Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan […]
-
Asian Youth Games sa China iniurong na sa 2022
Ipinagpaliban ng organizers ang Asian Youth Games sa Disyembre 2022 dahil sa COVID-19 pandemic. Gaganapin sana sa buwan ng Nobyembre ngayong tao sa Shantou City, Guangdong province. Ayon sa Shantou government department na siyang nangangasiwa sa nasabing sports affairs na pinapahalagahan nila ang kaligtasan ng mga dadalo kaya minabuti na iurong […]
-
Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo
NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19. Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses […]