Omicron variant nakakamatay pa rin para sa mga vulnerable, ‘di pa bakunado vs COVID-19 – expert
- Published on January 6, 2022
- by @peoplesbalita
Pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana ang publiko na nakakamatay pa rin ang Omicron variant sa harap ng mga reports na ito raw ay less fatal kumpara sa ibang variants ng COVID-19.
Ayon kay Salvana, maaring mas less deadly ang Omicron kumpara sa Delta variant pero maari pa rin ito na magdulot nang pagkamatay ng mga nasa vulnerable at unvaccinated populations.
Base sa mga datos aniya, mayroon pa rin kasing one-thirds na posibilidad na magdulot ng severse disease ang Omicron variant, na maaring ikamatay ng mga nasa vulnerable sectors at mga hindi pa bakunado.
Noong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaring maging dominant variant ang Omicron sa bansa sa susunod na tatlo hanggang apat na linggo.
Samantala, pinapayuhan naman ni Salvana ang publiko na lagyan ng dalawang linggong pagitan ang pagpapabakuna kontra influenza at COVID-19.
Ito ay para mas maayos na ma-document kung ano ang maaring magdulot ng posibleng maranasang adverse effects gayong karamihan sa mga COVID-19 vaccines ay ginagamit dahil sa emergency use authorization pa lamang. (Daris Jose)
-
NAIA terminal assignment babaguhin
ANG NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na bagong pribadong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nagsabi na magkakaroon ng pagbabago ng terminal assignments ang mga airlines upang mabawasan ang pagsisikip at ng gumanda ang takbo ng operasyon dito. “We have engaged already with several consultants regarding the reassignment of terminals being used by […]
-
Sana ako si Santa Klaus (1)
PASKO 2020 na po sa darating na Biyernes, Disyembre 25. At kagaya po nang nakagawian ng Opensa Depensa sapul noong 1997 dito sa People’s BALITA Sports, may mga gusto po akong mangyari o ako po’y may mga kahilingan sa ating Dakilang Diyos. O sana ako lang po si Santa Klaws para matupad ang […]
-
Kai Sotto pumuntos ng 8 points pagbalik sa Adelaide
Malaking tulong si KAI Sotto mula sa bench para sa Adelaide 36ers nang talunin nila ang Melbourne United, 91-86, sa 2022-23 NBL season noong Huwebes sa John Cain Arena. Umiskor ang Filipino center ng walong puntos sa 17 minutong paglalaro, kasama ang apat na rebounds, isang assist, at isang steal. Ito ay isang […]