Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19.
Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines na magreresulta ng pagkakalantad nila sa impeksyon ng mga bagong variants ng virus na higit na nakakahawa ngayon.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 12.2 milyong indibidwal pa lamang ang nakatanggap ng booster shots habang 66.2 milyong Pilipino na ang ‘fully-vaccinated’.
Sa kabila naman na wala pang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa at hindi pa natutukoy ang Omicron XE, malaki ang posibilidad na makapasok rin ito sa Pilipinas lalo na’t bukas na ang lahat ng borders ng bansa sa mga dayuhang biyahero at turista. (Daris Jose)
-
Kagawad arestado sa panunutok at pagpapaputok ng baril sa Malabon
DINAKIP ng pulisya ang 63-anyos na Kagawad ng barangay matapos ireklamo sa panunutok at pagpapaputok ng baril ng kanyang ka-lugar sa Malabon City. Kusang isinuko ni alyas “Kagawad Jaime” residente ng Karisma Village, Brgy. Panghulo, ang kanyang lisensiyadong kalibre .45 baril na may kalakip na “permit to carry outside residence” sa […]
-
One-time extension sa education assistance program, pinag-aaralan ng DSWD
PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito. Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022. Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension […]
-
Ads June 9, 2021