• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, hindi pa maaaring ipatupad until further notice- Malakanyang

HINDI pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga cabinet members na one seat apart rule sa mga public transport.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na isang upuang pagitang distansiya ng mga One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, hindi pa maaaring ipatupad until further notice- Malakanyang pasahero sa mga pampublikong transportasyon.

 

Aniya, doon pa lamang magte- take effect ang ruling para sa one seat arrangement para sa mga commuters.

 

“Unang-una, it will be effective upon publication po in the Official Gazette. Hindi na po kinakailangan ng IATF meeting iyan kasi it was a full Cabinet meeting,” ayon kay Sec. Roque.

 

Maliban sa publication ay kailangan pa rin aniyang bumalangkas ng kaukulang guidelines na nasa responsibilidad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Kaugnay nitoy hindi na nangangailangan pang maglabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) resolution ayon kay Roque gayung ang hakbang ay isang concensus na napagtibay na sa cabinet meeting. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ALBIE, nabugbog at napahiya pagkatapos na kaladkarin sa pagbubuntis pero walang natanggap na apology mula kay Andi

    HINDI nagpaliguy-ligoy si Albie Casiño nang tanungin siya tungkol sa naging relasyon nila noon ni Andi Eigenmann.      Bago pumasok si Albie bilang celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, hindi niya iniwasan sumagot sa mga tanong about Andi.     Ayon kay Albie, tapos na raw siya sa pagtatakip kay Andi […]

  • ILANG KALYE SA CALOOCAN, NI-LOCKDOWN

    ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, Caloocan City simula 12:01am ng Setyembre 3 hanggang 11:59pm ng Setyembre 9, 2021.        […]

  • 3,812 pasado sa 2023 Bar Exams, magiging abogado

    UMABOT sa 3,812 examinees ang pumasa sa 2023 Bar Exams o ‘yung professional licensure examination para sa mga nais mag-abogado sa Pilipinas.     Ito ang ibinahagi ng Supreme Court sa publiko ngayong Martes nang tanghali sa pamamagitan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng 2023 Bar Examinations.     Narito ang top 20 […]