One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, hindi pa maaaring ipatupad until further notice- Malakanyang
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga cabinet members na one seat apart rule sa mga public transport.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na isang upuang pagitang distansiya ng mga One seat apart rule sa mga pampublikong sasakyan, hindi pa maaaring ipatupad until further notice- Malakanyang pasahero sa mga pampublikong transportasyon.
Aniya, doon pa lamang magte- take effect ang ruling para sa one seat arrangement para sa mga commuters.
“Unang-una, it will be effective upon publication po in the Official Gazette. Hindi na po kinakailangan ng IATF meeting iyan kasi it was a full Cabinet meeting,” ayon kay Sec. Roque.
Maliban sa publication ay kailangan pa rin aniyang bumalangkas ng kaukulang guidelines na nasa responsibilidad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kaugnay nitoy hindi na nangangailangan pang maglabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) resolution ayon kay Roque gayung ang hakbang ay isang concensus na napagtibay na sa cabinet meeting. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
LIBRENG DRIVE-THRU AT WALK-IN COVID-19 SEROLOGY TESTING SA MAYNILA, BALIK OPERASYON NA
MULING binuksan sa publiko ang lahat ng libreng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-4 ng Enero, matapos pansamantalang isara ng mga ito nitong nakaraang Kapaskuhan. Sa abiso ng Manila Health Department (MHD), muling bubuksan sa residente at hindi residente ng Maynila ang Drive-Thru Testing Center […]
-
Pagsasa-ayos sa Manila Bay, 2019 pa inaprubahang mapondohan
TAONG 2019 pa aprubado at kasama sa line item ang ginagawang hakbangin ngayon ng pamahalaan sa Manila Bay. Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ilang batikos patungkol sa pagpapa- white sand ng nabanggit na look. Ani Sec. Roque, tuhog lang ang nangyayaring pagpapaganda sa Manila Bay gayung […]
-
Kelot pinagbabaril sa Navotas, sugatan
SUGATAN ang isang 26-anyos na lalaki matapos pagbabrilin ng dalawang salarin habang naglalakad ang biktima pauwi sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Isinugod sa Tondo Hospital para magamot ang tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang hita ang biktimang si Jeffrey Antonio, 26 ng 269 Roldan St., Brgy. Tangos Navotas South. […]