One-time extension sa education assistance program, pinag-aaralan ng DSWD
- Published on September 20, 2022
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito.
Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022.
Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension ay nakadepende pa rin sa availability ng pondo ng kagawaran mula sa Php1.5 na allocation pagkatapos ng huling araw ng pamamahagi ng naturang ayuda.
Dagdag pa niya, kasalukuyan nang pinag-aaralan ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ito dahil sa dami na rin ng mga aplikante nais na mapabilang sa naturang programa.
Samantala, sa kaparehong pahayag ay muli rin binigyang-diin ni Lopez na hindi sila muling tatanggap pa ng mga bagong aplikante dahil ang mga kababayan natin na walang access sa internet o gadget lamang ang kanilang kukunin sakaling matuloy ang naturang plano.
-
SARAH, strong, beautiful, powerful at superwoman ayon kay MATTEO; wish na magka-baby na sila
SA tuwing magpo-post si Matteo Guidicelli tungkol sa wifey na si Sarah Geronimo, punum-puno talaga ito ng ka-sweet-an. Sa 33rd birthday ng Popstar Royalty noong July 25, ipinakita na naman ni Matteo ang labis labis na pagmamahal kay Sarah. Sa Instagram post niya, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside […]
-
Ningning sa 80th Golden Globe Awards, muling naibalik: ANGELA, waging best supporting actress at nakalaban ni DOLLY
MULING bumalik ang ningning ng Golden Globe Awards sa kanyang 80th year pagkatapos na di ito nagkaroon ng live awards night noong nakaraang taon. Hosted by Jerrod Carmichael, ginanap ang ng live ang Golden Globes sa Beverly Hill Hilton in Beverly Hills, California. Muling bumalik sa red carpet ang mga celebrities at present […]
-
SIBAKAN SA PHILHEALTH, IMMIGRATION ASAHAN SA DISYEMBRE – DUTERTE
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga empleyado ng PhilHealth at Bureau of Immigration ang masisibak sa trabaho sa Disyembre. Sinabi ni Pangulong Duterte, mayroon pang susunod na round ng sibakan sa Disyembre partikular sa dalawang tanggapan na talamak pa rin ang korupsyon. Ayon kay Pangulong Duterte, marami pa ang mawawalan […]