Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.
Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia- upload at maaaring mapanood sa itinalagang YouTube channel. Walang klase sa preschool, kindergarten, elementary at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag Signal No. 2 at maging ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase ay suspendido. Maging trabaho ng Depart- ment of Education ay kanselado na kapag Signal No. 3, pati ang broadcast ng Valenzuela Live at talakayan sa klase. Maaaring panuorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang mga learning modules. Kapag masungit ang panahon ngunit walang babala ng bagyo galing sa PAGASA, pwedeng kanselahin ng lokal na pamahalaan ang mga klase at trabaho. (Richard Mesa)
-
Quiambao sinandalan ng DLSU
TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament. Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo. […]
-
Ads June 7, 2021
-
OCTA: NCR ‘low risk’ na sa COVID-19
Mula sa ‘very low risk’ ay tumaas sa ‘low risk’ ang klasipikasyon ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19. Sa pinakahuling update ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang 7-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay tumaas sa 116 […]