• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo

KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.

 

Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia- upload at maaaring mapanood sa itinalagang YouTube channel. Walang klase sa preschool, kindergarten, elementary at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag Signal No. 2 at maging ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase ay suspendido. Maging trabaho ng Depart- ment of Education ay kanselado na kapag Signal No. 3, pati ang broadcast ng Valenzuela Live at talakayan sa klase. Maaaring panuorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang mga learning modules. Kapag masungit ang panahon ngunit walang babala ng bagyo galing sa PAGASA, pwedeng kanselahin ng lokal na pamahalaan ang mga klase at trabaho. (Richard Mesa)

Other News
  • Alert Level 1, itinaas sa Mayon volcano

    ITINAAS ngayon ang alert level sa Mayon volcano dahil daw sa hindi nito pagiging normal.     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa dating Alert Level 0 o normal ay itinaas ito sa Alert Level 1 o low-level unrest.     “The public is reminded that entry into the 6-km […]

  • Ads October 9, 2021

  • Krimen tumaas sa Alert Level 1 – DILG

    MULING tumaas ang ilang index crimes simula nang isailalim ng pamahalaan ang ilang lugar sa bansa sa Alert Level 1.     Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng nakawan na nagsimula aniyang du­maming muli nang tumaas ang mobility ng mga tao, ngayong […]