• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night

SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19.

 

 

Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee ay ihu-hook up online.

 

 

Habang ang buong palakasan ay hindi naiwasan ang pandemya, may ilang atletang Pinoy pa rin ang mga nagpasiklab at umangat sa mga paghihirap  isang bagay na dapat palakasin sa oras ng kawalan ng pag-asa sa bansa.

 

 

Tampok sa natatanging espesyal na kaganapan na mga susuportahan ng San Miguel Corporation (SMC) at Philippine Sports Commission (PSC), ang paggawad ng inaasam ng lahat na Athlete of the Year trophy, na eksklusibong nailahad ng pinakaunang organisasyon ng media sa bansa na pinangungunahan sa ngayon ng pangulo na si Manila Bulletin sports editor Eriberto ‘Tito’ S. Talao.

 

 

Ang iba pang mga regular na parangal na iaabot sa taunang seremonya  ay ang Executive of the Year, President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year, at Lifetime Achievement Award.

 

 

Ang mga pangunahing pinarangalan sa iba’t ibang palakasan ay kasama rin sa listahan pati na rin ang kaunting pagsipi at mga espesyal na pagkilala sa mga tao at entidad na nagpatuloy sa palakasan ng bansa sa pinakamadilim na oras ng sangkatauhan.

 

 

Ang isang oras na programa ay ieere ng Cignal TV na iho-host nina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.

 

 

Nitong nakaraang taon, ang Team Philippines ang tumanggap ng  Athlete of the Year dahil sa matagumpay na kampanya ng bansa sa 30th Southeast Asian Games, kung saan lumitaw ang Pilipinas na pangkalahatang kampeon sa pangalawang pagkakataon lang sa 43 taong kampanya sa sa 11-nation, biennial meet.

 

 

Ang Awards Night ay ginanap sa makasaysayang Manila Hotel noong Marso 6, isang linggo bago ang buong lugar ng Luzon isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kasunod ng pagsiklab ng Coronavirus Disese 2019.

 

 

Mula po rito sa OD, isang saludo sa pamunuan ninyo riyan sa PSA. (REC)

Other News
  • From the Creative Team of “Bohemian Rhapsody” Comes “Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody”

    EXPERIENCE the voice you know and discover the story you haven’t heard in Columbia Pictures’ Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody, a powerful and triumphant celebration of the incomparable Whitney Houston     “We sought to make Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody a rich, beautiful, moving, and very human tribute to a great talent […]

  • CHADWICK BOSEMAN’S LAST FILM, ‘MA RAINEY’S BLACK BOTTOM’ REVEALED BY NETFLIX

    THE film is based on August Wilson’s award-winning play of the same name.   The last film of the late Black Panther star, Chadwick Boseman, has been revealed by Netflix.   The movie titled Ma Rainey’s Black Bottom stars Viola Davis in the lead role, while Boseman played the part of a band member. It […]

  • Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate

    TINAWAG  ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.     Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.     Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one […]