• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online PSC National Sports Summit tuloy sa Miyerkoles

TULOY  ang pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit sa isang tatlong-bahagi na programa na may serye na lingguhang sesyon sa online simula sa Miyerkoles, Enero 27.

 

 

“We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were almost three decades ago. It will help see the road ahead of us and navigate it better,” lahad ni PSC Chairman “Butch” Ramirez sa Opensa Depensa.

 

 

Tinukoy ng opisyal ang 1st National Sports Summit 1992, kung saan 38 resolusyon ang binalangkas para sa isang mas malinaw na direksiyon at mahusay na programa sa pambansang palakasan o palaro para sa mga Pinoy.

 

 

Tema para edisyong ito ng government sports agency ang Sports Conversations, na sasaklaw sa may 25 paksa tungkol sa industriya.

 

 

Ibinahagi pa ni Ramirez na “ang datos na makakalap mula sa mga sesyon na ito ang pag-aaralan at mapoproseso, na magiging pundasyon ng isang bagong hanay ng mga resolusyon na inaasahan na magiging kapaki-pakinabang para sa hinaharap sa mga pinuno sa sports, mambabatas, at opisyal na nag-aambag sa pagpapabuti ng sports at mga atleta.

 

 

Natutuwa ang pitak na ito na kahit maty pandemya’y tinuloy pa rin ng Komisyon ng Palaro sa Pilipinas O PSC ang makabuluhang proyekto nila.

 

 

Kaya isang palakpak po mula sa OD. Mabuhay kayo riyan sa PSC. (REC)

Other News
  • HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ

    FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.     Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata.      Nagkaroon kasi […]

  • HIRED ON THE SPOT

    Na-hired on the spot si Quino Santiago mula sa Bulihan, Lungsod ng Malolos sa posisyon ng Electrician Helper ng D’ Jobsite General Services Inc. sa ginanap na Mini Job Fair: Bulacan Trabaho Service (BTS) sa Waltermart Malolos, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Biyernes. Kasama ng bagong tanggap sa trabaho sina (mula kaliwa) Provincial Youth, Sports, […]

  • 40-K sundalo idi-deploy ng AFP nationwide para magbigay seguridad

    MAHIGIT  40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections.     Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang deployment ng mahigit 40,000 sundalo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay para imonitor […]