Online Registration, pinalawig ng Comelec
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na mas pinalawig pa ang online filing ng aplikasyon para sa reactivation.
Ayon sa Comelec , napagpasyahan ng Comelec en banc na palawigin ito hanggang Setyembre 25, limang araw bago ang itinakda namang deadline ng voter registration para sa 2025 midterm elections.
Ang orihinal na deadline ng filing ng application for reactivation ay noong Setyembre 7,2024 ngunit dahil sa nakabulihang bilang ng mga Filipino voters na hindi pa nag-a-apply ng reactivation , ang Comelec en banc ay nagpasya na ito ay palawigin upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makapag-reactivate ng kanilang voter registration rekord nang hindi nahihirapan pang magtungo sa Comelec offices.
Sa inilabas na abiso ng komisyon, kung ang isang indibidwal ay dati nang rehistradong botante ngunit deactivated ang registration status ,maaring mag-file online ng aplikasyon upang magpa-reactivate.
Kung ikaw naman ay senior citizens o person’s with disability (PWD) ,maaring mag-file ng aplikasyon online para sa “reactivation with updating of records”.
Gayundin ang mga botante na nais mag-apply ng ‘ reactivation with transfer of registration within OR with corrections of entries”.
Maaari din mag-file online ang mga botante para sa ‘reactivation with transfer of registration within AND with corrections of entries.
Ang online filing reactivation ay dapat sa pamamagitan ng email address ng Office of the Election Officers (OEOs) sa buong bansa na available sa opisyal na website ng Comelec sa www.comelec.gov.ph
Hinimok ng Comelec ang lahat ng deactivated na botante na samantalahin ang pagkakataon at i-reactivate ang kanilang voter registration online. GENE ADSUARA
-
DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations
PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon. Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong […]
-
‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’
NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors. Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series. Maging sa mga mananaya o mga sugarol […]
-
Wanted na rapist sa Quezon City, natimbog ng Valenzuela police
KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Quezon City matapos makorner sa harap ng isang bantog na supermarket sa Valenzuela City. Hindi na nakapalag si alyas “Paeng”, 35, nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Valenzuela acting police chief P/Col. Nixon Cayaban ang warrant of arrest […]