• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online Scam, nangunguna sa mga naitala ng PNP na cybercrime cases sa kabuuan ng 2023

NANGUNGUNA ang Online Scams sa top 10 cybercrime cases na naitatala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

 

 

Ito ay batay sa datus ng naturang police unit mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.

 

 

Ayon kay PNP-ACG Director PBGen Sydney Sultan Hernia, patuloy ang pagtaas ng kaso na kanilang naitatala ukol sa ibat ibang uri ng cybercrime sa bansa.

 

 

Maliban sa online scam, mataas din aniya ang bilang ng iba pang cybercrimes, katulad ng Illegal Access, Computer Related Identity Theft, ATM/Credit Card Fraud, Threats, Data Interference, Anti-photo and Video Voyeurism, Computer Related Fraud, at Unjust Vexation.

 

 

Samantala, iniulat naman ng naturang police unit na nagawa na nilang maimbestigahan ang hanggang 16,297 kaso ng cybercrime sa buong bansa.

 

 

Sa kasaysayan ng Anti-Cybercrime unit, ito na ang itinuturing na record-breaking o pinakamarami.

Other News
  • CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels

    TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP).     “Si Justice Sadang ay naging Associate […]

  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]

  • DOTr: EDSA busway binigyan ng P212 M budget para sa modernization

    GAGASTUSAN  sa darating na taon ng Department of Transportation (DOTr) ang modernization ng EDSA busway na nagkakahalaga ng P 212 million.       May mga mungkahi na dapat ng ibigay sa pribadong sektor ang pangangalaga ng EDSA busway subalit walang resolusyon na inilalabas pa ang DOTr para sa pagsasapribado nito.       Gagamitin […]