• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online scams talamak, publiko mag-ingat – DILG

PINAG-IINGAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko sa patuloy na pagdami ng mga online scams ngayong holiday season.

 

 

Sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, pinayuhan nito ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.

 

 

Ani Abalos, maaaring i-report ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com. na bagong website kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency ­Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

 

 

Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.

 

 

Ang I-ARC na nasa National Cybercrime Hub ay isang task force na binuo para maging sentralisado ang pag-uulat ng cybercrime sa gobyerno na kinabibilangan ng National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at National Bureau of Investigation Cybercrime Division bilang enforcement arm.

 

 

Dagdag pa ni Abalos, kailangan din aniya ang  kooperasyon ng mga consumers upang  mahuli at makasuhan ang mga  scammers na patuloy sa pagdami at hindi alintana ang panlalamang  at panloloko sa  publiko.

 

 

Ang mga verified complaints lamang ang kanilang mga aaksiyunan upang tuluy-tuloy na masampahan sa korte at maipakulong.

Other News
  • UAAP crown sinakmal ng NU

    NAKUMPLETO ng National University ang matamis na 16-0 sweep upang matagumpay na masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.     Nagawa ito ng Lady Bulldogs matapos patumbahin ang De La Salle University, 25-15, 25-15, 25-22, sa Game 2 ng best-of-three championship series  kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. […]

  • Alice Guo, hiniling sa DOJ na ibasura ang reklamong perjury at falsification laban sa kanya

    HINILING ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa Department of Justice na ibasura ang reklamong perjury at falsification laban sa kaniya kaugnay sa kaniyang notarized counter-affidavit sa qualified trafficking case.     Iginiit ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na hindi dapat kasuhan si Guo dahil wala umano itong partisipasyon sa pag-notaryo […]

  • PBBM, malugod na tinanggap ang $2.5-B investment pledge ng Thai firm

    MALUGOD na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng  Thailand conglomerate Charoen Pokphand Group (CP Group) na mamuhunan ng USD2.5 billion (P140.8 billion) sa Pilipinas para palakasin ang sektor ng agrikultura.  Tinalakay ang  investment pledge nang makipagpulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng CP Group, pinangunahan ni  chairman Soopakij Chearavanont, sa […]