• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ONLINE SELLER TIMBOG SA BARIL

KULONG ang 27-anyos na online seller matapos magpakilalang pulis at makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng mga tunay na pulis sa checkpoint sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, maliban sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, mahaharap din si Persius Corrales ng 354 Everlasting St Brgy. NBBS Proper, Navotas city sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Ernie Baroy, isa si Corrales na sakay ng motorsiklo sa mga riders ang pinara ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 na nagsasagawa ng checkpoint sa kanto ng C-4 Road at Leoño St. Brgy. Tañong alas- 9:20 ng gabi subalit, nagpakilala itong pulis na nakatalaga sa District Special Operation Unit (DSOU) of Northern Police District (NPD).

 

Nang hanapan ni P/Lt Ap Sugui si Corrales ng kanyang police identification card ay wala itong naipakita na naging dahilan upang arestuhin ito ng mga pulis.

 

Nang kapkapan, narekober ng mga pulis kay Corrales ang isang calibre .45 Armscor pistol na may magazine at kargado ng limang bala.

 

Ani Col. Tamayao, wala din naipakitang lisensya at permit to carry outside residence ang suspek. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Sa kanyang 25 years sa showbiz: ALLEN, ‘di pa nakakasama sina VILMA, MARICEL at SHARON

    NAKAKALOKA si Allen Dizon!     Isa kasi siyang car collector at siya mismo ang nagkuwento sa amin na meron siyang mahigit tatlumpo, yes, tatlumpung kotse!     Lahat ng mga kotse niya ay nasa garahe niya sa bahay niya sa Pampanga.     Bukod dito ay may dalawang restaurant si Allen na nasa NLEX, […]

  • Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming salamat sa inyo’ “Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”

    ITO ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.     Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event.     “Sa sambayanang […]

  • US investments sa Pinas papalo sa $763-M ngayong 2023

    PAPALO sa  $763.74 million  ang magiging  investment ng Estados Unidos ngayong 2023 sa oras na maisakatuparan ang Marcos trip pledges.     Kapag nangyari ito, nakikita na tatlong beses ang itinaas ng investment noong nakaraang taon.     “If the pledges generated by President Ferdinand Marcos Jr. during his last visit to the country come […]