• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OP, magbibigay ng P25M na tulong para sa Batanes sa gitna ng matinding pananalasa ni Julian

MAGBIBIGAY ang Office of the President (OP) ng P25 million sa provincial government ng Batanes para tumulong sa pagbangon nito kasunod ng matinding pananalasa ng Bagyong Julian.

 

Nauna rito, binisita ni Pangulong Marcos ang lalawigan ng Batanes para pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa Oval Plaza sa Munisipalidad ng Basco.

 

”Ang Office of the President naman ay magrerelease kami ng P25 million para sa inyo,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

Aniya pa, magbibigay din ang tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng P15 million para tulungan ang mga apektadong residente.

 

Samantala, nagdeklara ang lalawigan ng Batanes ng state of calamity dahil na rin sa pananalasa at pinsala na dulot ng Bagyong Julian.

 

Nananatili namang limitado sa nasabing lalawigan ang mga public utilities at services gaya ng ‘tubig, kuryente at linya ng komunikasyon. ( Daris Jose)

Other News
  • Fighting Maroons bagong hari ng UAAP!

    TINAPOS ng University of the Philippines Figh­ting Maroons ang kanilang 36-taong pagkauhaw sa korona matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa overtime, 72-69, sa ‘winner-take-all’ Game Three ng UAAP Season 84 men’s basketball championship kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.     Hinirang na bayani si guard Joel Cagulangan na nagsalpak ng three-point shot […]

  • “Treat all the vaccines as the same” sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa LGUs

    “Treat all the vaccines as the same.”   Ito ang bilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi kapag namahagi na ng COVID-19 vaccines sa Local Government Units (LGUs).   “Keep a blind eye to brands when distributing COVID-19 vaccines to […]

  • DepEd: Late enrollees tatanggapin

    SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.   “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.   Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.   Ayon sa ahensya, […]