• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Open and productive ang miting ng dalawang lider ng bansa

NAGKAROON ng “open and productive telesummit” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay President Vladimir Vladimirovich Putin ng Russian Federation noong Abril 13, 2021.

 

 

Muling pinagtibay ni Pangulong Duterte at President Putin ang kanilang commitment para mas lalo pang mapahusay ang kooperasyon habang ginugunita ng Pilipinas at Russia ang 45th anniversary ng diplomatic relations ngayong taon at nangakong magtutulungan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

 

 

Pinasalamatan ng Pangulo si President Putin para sa naging commitment ng Russia na palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang aspeto kabilang na ang paglaban sa COVID-19 pandemic.

 

 

Kapwa tinalakay ng dalawang Pangulo ang global at regional vaccine landscapes, kung saan tinukoy ang bakuna gaya ng Russia’s Sputnik V na kailangang i-mobilized sa mas maraming bansa kung posible.

 

 

Um-order ang Pilipinas ng 20,000,000 doses ng Sputnik V mula Russia at kapuwa binigyang diin ng dalawang lider ang kahalagahan ng pagtaas ng global production at supplies.

 

 

Binigyang diin nina Pangulong Duterte at President Putin ang pangangailagan na ipagpatuloy at palakasin ang pakikipagtulungan para labanan ang COVID-19 pandemic.

 

 

Tinukoy din ng dalawang lider ang “steady progress in defense and security cooperation between the two countries, fostered by regular exchanges between defense, intelligence and military agencies, and vowed to sustain the momentum gained over the past five years.”

 

 

Binigyang diin ni President Putin ang positive trajectory ng Russia-Philippines relations at binigyang-diin din na maraming oportunidad para sa mas malaking kooperasyon sa larangan ng trade at investments, agriculture at energy development kahit pa ang dalawang bansa ay nagsusulong ng pagpapahusay ng political-security cooperation.

 

 

Samantala, inulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang imbitasyon kay President Putin na bumisita sa bansa “as soon as circumstances allow” kung saan ay welcome naman kay President Putin.

 

 

Kasama naman ni Pangulong Duterte sa nangyaring telesummit sina Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin, Jr. at Senator Cristopher Lawrence “Bong” Go.

 

 

Tumagal naman ng 30 minuto ang phone conversation. ( Daris Jose)

Other News
  • ‘Di kinaya ang unexpected and unforgettable moment: SHARON, naiyak sa sobrang tuwa nang ma-meet ang idolong si TAEMIN

    HINDI nga nahiya si Megastar Sharon Cuneta na i-post ang larawan niya na nakaupo sa lapag habang umiiyak sa labis na kaligayahan.     Matapos ito na ma-meet niya ng personal at anang iniidolong K-pop star na si Taemin, na isa sa member ng sikat na South Korean boy band na SHINee.     Caption […]

  • 2 drug suspects kulong sa P180K droga sa Valenzuela

    UMABOT sa halos P.2 milyong halaga ng droga ang nasabat sa dalawang drug suspects matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas Nelson, 54 ng Coloong 2, at alyas […]

  • Captain Marvel Returns with New Super Hero Allies in Cinemas and IMAX on November 8

    BRACE yourselves as Marvel Studios serves up a thrilling treat. They’ve released exciting new sneak peeks of the much-anticipated The Marvels.     Plus, to double the excitement, brand-new posters have landed. But that’s not all; tickets for the epic adventure are now on sale!     The wait is over! You can now secure […]