• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Open na sa pagkakaroon ng lovelife: SANYA, handang-handa at pwede nang lumandi

GALING na mismo kay Sanya Lopez na bukas siya na magkaroon na ng love life kung may darating. 

 

 

Plano rin niyang magbakasyon sa ibang bansa bago niya simulan ang isang upcoming big project.

 

 

“Sabi ko nga, kung masabay man during nagtatrabaho ka at may dumating na love life, why not naman. Pero sabi nga nila, since medyo ready-ready na tayo, puwede na tayong… lumandi,” sey ni Sanya.

 

 

Tungkol sa kanyang upcoming big project, sinabi ni Sanya na, “Nakaka-excite siya, sinabi na sa akin kung anong mga magaganap, napakaganda.”

 

 

Pero bago ang naturang proyekto, plano ni Sanya na bumiyahe sa Japan na mag-isa.

 

 

“I’ll try na mag-travel mag-isa pero kung may sumama, go, tara na,” masaya niyang pag-imbita.

 

 

***

 

 

WALA pang reaksyon o comment si Marina Benipayo sa pagkakaaresto ng kanyang partner na si Ricardo Cepeda dahil sa kasong syndicated estafa.

 

 

Sa social media accounts ng former model and beauty queen, wala pa siyang pinu-post tungkol sa nangyari kay Ricardo.

 

 

Hindi updated ang Facebook, Instagram at X account ni Marina. Huling mga post niya ay noong September pa.

 

 

Tiyak na apektado si Marina sa nangyari kay Ricardo dahil parati silang magkasama, hindi lang sa iisang bahay kundi pati na sa trabaho. Pareho pa naman silang nasa teleserye na ‘Batang Quiapo.’

 

 

Gusto rin sana namin malaman ang nararamdaman ng dalawang anak ni Ricardo sa ex-wife na si Snooky Serna na sina Samantha at Sachi. Pero mukhang walang social media accounts ang mga ito.

 

 

As for Snooky, wait na lang natin kung ano ang masasabi niya sa nangyari kay Ricardo. Kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa, nirerespeto pa rin ni Snooky ang pinagsamahan nila at civil naman daw sila ni Ricardo kapag nasa publiko silang dalawa.

 

 

***

 

 

NAKIPAGBALIKAN pala si Cher sa kanyang 37-year old boyfriend na si Alexander “AE” Edwards.

 

 

Naghiwalay ang dalawa noong nakaraang May, pero nakita na ulit silang magkasama sa Hotel Costes in Paris noong nakaraang October 2. May source na nag-confirm na “back to each other’s arms” ang dalawa.

 

 

“The couple seemed very happy. They were sitting close together and all smiles,” sey ng source.

 

 

Dumalo sila Cher and AE sa H&M Rabanne launch party at Silencio kunsaan pinarinig ni Cher ang kanyang new single mula sa kanyang upcoming, first-ever Christmas album.

 

 

“On my way to debut my FIRST song from my NEW album for the FIRST time. Paris Fashion Week meets Cher Christmas. Here we go!” caption pa sa IG ng 77-year old pop icon.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • “UNCHARTED” REVEALS FIRST-LOOK OF TOM HOLLAND AS NATHAN DRAKE

    COLUMBIA Pictures has un- veiled the first-look images its upcoming action adventure Un- charted, adapted from the massively popular PlayStation/ Naughty Dog video game franchise.   Get your first look at Tom Holland as the young Nathan Drake and other iconic images in the stills below.   In his interview with Collider.com, Holland revealed the […]

  • 3 kelot dinampot sa baril sa Malabon

    SA loob ng kulungan gugunitahin ng tatlong lalaki ang Semana Santa matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nakatanggap ng impormasyon ang […]

  • Kamara umaasang hindi na mabi-veto ang SIM Registration Bill

    UMAASA  ang liderato ng Kamara na hindi ma-veto ang SIM Registration Bill, matapos niratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report ng panukapang SIM Registration Bill na nag-uutos na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.     Ayon kay Speaker Romualdez, kanilang inaaasahan na ang SIM Registration Act ang kauna-unahang […]