Opening ceremony ng Paris Olympics naging makasaysayan kahit umulan
- Published on July 29, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.
Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.
Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap ngayon ay sa River Seine kung saan nakasakay sa mga bangka ang mga kalahok habang pumaparada.
Magkatabi naman sina French President Emmanuel Macron at International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach para panoorin ang parada.
Gaya ng tradisyon ay mauuna sa parada ang pagparada ng Olympic Torch na sinundan ng barko ng Greece dahil doon nagsimula ang makasaysayang Olympics.
Aabot sa 10,500 ang atleta ng Greece na pinangunahan nina NBA superstar Giannis Antetokounmpo at two-time Olympian race walk Antigoni Ntrismpioti.
Pinatunog din ang kampana sa kauna-unahang pagkakataon ng Norte-Dame de Paris Cathedral.
Ito ang unang pagkakataon na tumunog ang kampana mula ng matupok ng apoy noong Abril 2019.
Nanguna naman ang singer na si Lady Gaga sa pagkanta sa Opening ceremony.
Kinanta niya ang “Mon truc en plumes” ng iconic French artist Zizi Jeanmaire.
Sumunod naman nagtanghal ay ang 28-anyos na singer na si Aya Nakamura.
Namangha rin ang lahat sa magandang awitin ni Celine Dion habang nasa stage sa ilalim ng Eiffel Tower, maituturing itong makasaysayan.
-
Cardinal Advincula natanggap na ang pallium mula kay Pope Francis
Natanggap na ni Manila Archbishop Cardinal Jose Fuerte Advincula ang pallium na mula kay Pope Francis. Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most. Rev. Charles Brown ang pagkakaloob ng pallium kasabay ng misa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o kilala bilang Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila. […]
-
NAVOTAS PATULOY ANG PAMIMIGAY NG RELIEF PACKS
PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan ng relief packs makaraang ibalik at pahabain pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Umabot na sa 15,501 mga pamilyang Navoteño ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods […]
-
Akala artista at type maging leading lady: RYAN, nag-sorry nang malamang kung sino si Atty. ANNETTE
MULING pumirma ng isang exclusive contact si Kapuso First Lady of Primetime Sanya Lopez sa GMA Network last Friday, September 29, attended by the top GMA executives sa pangunguna ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon. Naging emosyonal si Sanya nang magpasalamat siya sa lahat ng mga opportunities na […]