• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado

IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.

 

 

Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa  sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at kanunog n itong Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

 

 

Kaugnay nito, bumalangkas si WNBL/NBL chairman Celso Mercado ng isang ad-hoc committee kung saan mga kasapi nito ang executives ng mga kalahok na team sa dalawang liga na may mga puwestong pampubliko rin sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) para sa monitong ng pandemya.

 

 

Itinaas sa loob isang lingggo ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, at Laguna sa ilalim ng NCR+ GCQ (general community quarantine) noong Marso 22 at matatapos sa Abril 4. (REC)

Other News
  • Omicron wala pa rin sa Pinas – DOH

    Wala pa ring natutukoy na Omicron Covid-19 variant sa Pilipinas, batay sa pinakahuling whole genome sequencing na isi­nagawa nitong Miyerkules.     Sa 48 samples na isinailalim sa sequencing, 38 o 79.17% ang Delta variant o B.1.617.2 habang ang iba pa ay non-VOC lineages o walang lineages na natukoy.     Ayon sa DOH, ang […]

  • Spanish tennis player Paula Badosa wagi laban kay Sakkari

    Nakuha ni Paula Badosa ang kampeonato sa WTA Finals sa ng talunin si Maria Sakkari.     Nangibabaw ang tennis player mula sa Spain para tuluyang talunin ang pambato ng Greece sa laro na ginanap sa Guadalajara, Mexico.     Nagtala ng 10 aces si Badosa para makuha ang 7-6(4), 6-4 na panalo.     […]

  • Kelot todas sa pakikipagbarilan sa pulis sa Caloocan

    Dedbol ang isang 22-anyos na lalaki matapos makipagbarilan sa pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ng detective patrol sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong […]