• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA

TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito.

 

 

“All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr.  sa pinatawag na Zoom press conference Miyerkoles ng umaga. “The franchise will be leaving the PBA at the end of our 35th and final season.”

 

 

Sa pang-36 na taon sa loob ng 35 season (1986-2002) sa liga, sumungkit ang Aces ng 14 na kampeonato, pinakamalaki ang 1996 grand slam o pagwalis sa tatlong conference sa paggabay ni coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone.

 

 

“No immediate buyers yet, but it remains a possibility that we can sell our franchise to another company if they want to come in at the end of the season,” panapos ng 60-anyos na may ari ng koponan sa ilalim ng Alaska Milk Corporation.

 

 

Kung walang bibili sa kompanyang gatas, mapipilitan si Uytengsu na ibalik ang prangkisa sa PBA at ang mga player ay paghahati-haatian ng 11 koponang natira via dispersal draft.

 

 

Malilibre sa merkado na tiyak pag-aagawan ang kalibre ng mga basketbolistang sina Jeron Teng, Abu Tratter, Mike Digregorio, Rob Herndon, Maverick Ahanmisi, Ben Adamos at Allyn Bulanadi at iba pa.

 

 

Nalungkot sigurado ang mga miyembro ng PBA board of governors o kinatawan ng mga may ari ng koponan sa pamumuno ni Victorico Vargas ng TNT sa paglisan nang matagal nilang kasama.

 

 

Maging ang mga bumubuo sa tanggapan ng liga sa pangunguna ni Commissioner Wilfrido Marcial, ang sektor ng negosyo at ang media, lalo na ang PBA Press Corps.

 

 

Pero ganyan talaga ang buhay, sabi nga walang permanente sa mundo nating ginagalawan. (REC)

Other News
  • Ads August 13, 2024

  • ‘Shazam’ star Zachary Levi Wanted To Play ‘Deadpool’ For Years, Jealous of Ryan Reynolds

    SHAZAM star Zachary Levi reveals he dreamed of playing Deadpool for years before Ryan Reynolds would ultimately be cast as the Merc with a Mouth.   Originally created by Fabian Nicieza and Rob Liefeld, Deadpool made his comic book debut in The New Mutants No. 98 as a supervillain before later evolving into his iconic antihero persona and becoming well-loved […]

  • 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos, naisabatas na

    NAISABATAS na ang 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos lamang na pagpupulong ng ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 19.       Kabilang naman sa mga priority bills na […]