OPERASYON NG NBI SA BACOLOD, SINUSPINDE
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ang operasyon ng isang sangay ng National Bureau of Investigation(NBI) sa Bacolod matapos na magpositibo sa Covid-19 ang lima nitong personnel.
Ayon sa NBI, kapwa personnel ng administrative at clearance section ang mga nagpositibo sa sakit.
Hanggang Enero 22 umano suspindido ang operasyon at muling magbubukas sa Enero 25, araw ng Lunes.
Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, pinuno ng NBI-Bacolod na ang mga positive cases ay dinala na sa quarantine facility habang nagpapagaling .
Nagsasaghawa na rin ng contact tracing sa maaring nakasalamuha ng mga nagpositibo na nakaranas umano ng mild symptoms.
Habang ang iba pang personnel ng nasabing sangay ng NBI ay nasuri naming negatibo sa isinagawang swab testing. (GENE ADSUARA)
-
Groundbreaking Ceremony
‘BAGONG BAHAY, BAGONG BUHAY’! Pinangunahan ng Social Housing Finance Corp. (SHFC) at Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase III ng Laon HOAs Federation, Inc. Community Mortgage Program (CMP) Vertical Housing Project, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-27 Charter Day ng Lungsod. Ayon kay Mayor […]
-
Valdez pambato sa Women’s Volleyball PH pool sa SEAG
Anim na Creamline stars, sa pangunguna ni Alyssa Valdez at reigning MVP Tots Carlos, ang nanguna sa 17-member women’s national volleyball pool para sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo sa Phnom Penh, Cambodia. Ibinunyag ng mga source ng ang listahan kung saan si Valdez, na nagpapagaling pa rin sa right knee injury na […]
-
Kai Sotto excited na makasama si Kobe Paras
Excited na si NBA prospect Kai Sotto na makasama sa workout si Kobe Paras sa East West Private (EWP). Kamakailan lamang, pumasok si Paras sa EWP na siyang tutulong sa kanyang basketball career. At isa si Sotto sa mga lubos na natuwa sa naging desisyon ni Paras. Nais ni […]