Operasyon ng provincial buses, mas lalawak pa sa loob ng linggong ito
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra na asahan nang mas lalawak pa ang operasyon ng mga provincial buses sa loob ng linggong ito.
Madaragdagan na kasi aniya ang mga ruta ng mga bus na bumabyahe patungo sa mga lalawigan.
Kabilang sa kanilang nakatakdang mabuksan ay ang provincial opera- tion na mula Metro manila Patungong Davao city O Vice versa.
Aniya, sa kanyang pakikipag- usap kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay pumayag na itong buksan ang syudad para sa mga biyaherong magmumula sa National Capital Region (NCR) basta’t matiyak lamang na masusunod ang mga minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.
Aniya pa, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mas marami pang ruta sa mga lalawigan ang mabuksan sa mga susunod na araw. (Daris Jose)
-
PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget
MAY Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite […]
-
NAVOTAS NAGSIMULA NA SA PAYOUT NG PONDO NG LGU PARA SA ECQ AYUDA
Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang payout ng enhanced community quarantine (ECQ) cash assistance na mula sa pondo ng lungsod. Nasa 3,407 Navoteño families ang nakatanggap ng P1,000-P4,000 mula sa P32-milyon na pondo ng lungsod na ibinalik na budget mula sa various offices. “The P32-million will cover the […]
-
Walang face mask, arestuhin! — Duterte
Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año. Para kay Año’s, ito […]