• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operating hours ng LRT-2 paiiksiin

Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng shortened operating hours sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa susunod na linggo.

 

Batay sa inisyung advisory ng LRTA, nabatid na aabutin ng isang linggo ang naturang pagpapa-ikli sa oras ng biyahe ng mga tren o mula Hulyo 27, Lunes, at magtatagal hanggang sa Agosto 2, Linggo.

 

Ayon sa LRTA, sa mga nasabing petsa, ang unang biyahe ng mga tren mula sa Araneta Center-Cubao Station sa Quezon City at mula sa Recto Station sa Maynila ay aalis ng 5:00AM habang ang huling biyahe naman nito ay pansamantalang paiikliin at gagawin na lamang munang hanggang alas-7:30 ng gabi.

 

Anang LRTA, layunin nito na bigyang-daan ang instalasyon ng bagong power cables sa pagitan ng Pureza at Legarda Stations.

 

Inaasahan namang magbabalik ang normal train schedule ng LRT-2 sa Agosto 3, 2020, Lunes. (Gene Adsuara)

Other News
  • Habang naghihintay sila ng kidney donor: YASMIEN, biglang bumili ng bahay para malapit sa maysakit na ina

    SABI namin kay Yasmien Kurdi, siguradong pakikinggan ng Diyos ang dasal niya at ibi-bless siya dahil mabuti siyang anak, asawa at magulang.       Sa ngayon kasi, naghihintay raw sila para sa magiging donor ng kidney ng kanyang ina at para makapag-undergo ito ng transplant.     Kuwento rin ni Yasmien, matagal na raw niyang […]

  • Pinaghahandaan na ang bonggang wedding: ROBI, emosyonal nang alalahanin ang tulong ng mga magulang sa pagtupad ng mga pangarap

    PINAGHAHANDAAN na raw ni Robi Domingo ang magiging bonggang wedding nila ng kanyang fiancee na si Maiqui Pineda.     Ibinahagi ni Robi na maliban sa kasal ay naghahanda na rin sila ni Maiqui sa buhay na pagsasamahan nila bilang mag-asawa.     “Right now, safe to say na may mga hakbang na ginagawa na […]

  • Tuwang-tuwa dahil ‘di nagbago ang Megastar: SHARON, hindi pa rin maka-get-over sa mga sinabi ni JESSICA

    AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya maka-move on sa mga magagandang sinabi ni Ms. Jessica Soho.   Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, “Hanggang ngayon, di parin ako makaget-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa youtube channel ko.   “Iba kung ang isa sa pinakatitingala […]