Operators ng EDSA Carousel humingi ng fare hike
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng EDSA Carousel upang humingi ng fare hike dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.
Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na humingi ang ES Transport at Mega Manila ng fare increase kung saan ang dalawang consortia ay nagbibigay ng libreng sakay sa publiko.
“They are requesting for a rate adjustment. They want to have at least a higher fare so that they can compensate for the expenses they incurred in deploying buses. They want an increase in fare rates computed based on the number of kilometers traveled,” wika ni Garafil.
Ayon sa ES Transport at Mega Manila consortia sila ay nakararanas na ng pagkalugi sa kanilang operasyon dahil nga sa tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong petrolyo.
Samantala, sinabi ng LTFRB na nakabayad na sila ng P659 million sa mga operators ng EDSA Carousel para sa kanilang 10 linggo ng kanilang operasyon. Gumagastos ang pamahalaan ng P74 million hanggang P79 million kada linggo para sa bayad ng libreng sakay. Nang nakaraan dalawang linggo, ang LTFRB ay nakabayad na ng P310 million. Subalit may hindi pa rin nababayaran ang LTFRB na isang buwan sa mga operators. Nangako naman si Garafil na kanilang babayaran ang kanilang arrears hanggang katapusan ng buwan.
Umaasa naman ang LTFRB na dahil sa mga naibayad ng ahensiya, ang mga operators ay magdadagdag na 440 bus units para gamitin sa rush hours.
“The payment is behind by a month. It’s not so high compared to the previous months. We are confident and relying on the word of the consortia that they will maximize deployment of 440 vehicles especially during rush hours,” saad ni Garafil.
Dahil sa pagkakaantala ng bayad, ang dalawang bus consortia ay hindi nakakapagpasada ng lahat ng mga buses dahil hindi naman nila nababayaran ang mga drivers at operators.
Dagdag pa rin ni Garafil na mayron silang pondo para sa programa ng libreng sakay hanggang Dec. 6 subalit humahanap pa sila ng karagdagan pondo para maipagpatuloy ang programa hanggang katapusan ng taon na siyang pinagutos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Nangako naman ang LTFRB na kanilang gagawan ng paraan upang mapadali ang kanilang pagbabayad sa EDSA Carousel consortium.
Dumadaing naman ang mga drivers at conductors ng EDSA Carousel dahil ayon sa kanila ay umaabot na sa milyon ang kanilang unpaid salaries. Ayon sa union leader ng ES Transport umaabot sa P20 million ang hind pa nababayaran sa kanila. LASACMAR
-
Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry
MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa. Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]
-
12,000 trabaho, bakante ngayon sa industriya ng turismo – Department of Tourism
PAPALO raw sa 12,000 trabaho ang bakante ngayong sa industriya ng turismo. Ayon kay Department of Tourism Cristina Frasco, kabilang sa hiring ang mga posisyon na sumusunod: -Administrative and purchasing -Food and beverage -House keeping -Sales marketing -Front office -Finance at bpo Sinabi ni Frasco, ito ay sa gitna ng […]
-
PAGBABAGO SA PROSESO SA PAGBOTO
MAGKAKAROON ng pagbabago sa proseso ng pagboto sa 2022 local and national elections dahil na rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease sa bansa. Ayon ito kay Comelec Spokesman James Jimenez dahil ang mga botohan ay may posibilidad na maging sanhi ng pagsasama-sama ng mga tao kaya dapat mayroong mga pagbabago sa […]