OPISYAL NG COAST GUARD PATAY SA COVID
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
NAGLULUKSA ngayon ang buong pamunuan ng Philippine Coast Guard PCG) sa pagpanaw ng isang opisyal nito dahil sa COVID-19.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG sa pangunguna ni PCG Commandant, CG Admiral George V Ursabia Jr sa naulilang pamilya ni CG Admiral Reuben S.Lista
Ayon kay Ursabia, ang kanyang liderato sa Philippine maritime industry, partikular sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko kung saan tumaas ang kanyang ranggo ay laging maalala.
Pinamunuan nito ang major PCG units, kabilang ang Marine Environmental Protection Command at ilang Coast Guard Districts sa ibat-ibang rehiyon sa buong bansa.
Nagsilbi din itong Deputy Commandant for Administration bago naitqlaga bilang ika-16th Commandant ng PCG mula 2001 hanggang 2003.
Kalaunan ay sumali siya sa Philippine National Oil Corporation (PNOC) bilang Chairman at CEO.
Bahagi rin si Admiral Lusta sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Class 1969 at kinokonsidera bilang isang “most decorated PMMA graduates ” na naglilingkos sa Philippine Navy (PN) at PCG. (GENE ADSUARA)
-
Sa dami ng bagyong tumama sa bansa… Quick Response Fund, nilimas ng Tropical cyclones
NALIMAS ang Quick Response Fund dahil sa tropical cyclones na tumama sa bansa. ”Ang QRF natin ang katotohanan diyan dahil sa dami ng bagyo ay naubos na. Kaya’t ang ginawa natin ay nagtabi ulit tayo ng pondo para mabigyan ulit, malagyan na naman natin ng laman ang QRF natin para sa mga local governments […]
-
Mojdeh handa na para sa World Cup
HANDANG-handa na si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh para sa prestihiyosong 2024 World Aquatics (WA) Swimming World Cup na gaganapin sa tatlong magkakahiwalay na venues. Pangungunahan ni Mojdeh ang kampanya ng national swimming team sa naturang world meet na magtatampok ng pinakamatitikas na swimmers sa buong mundo. Isa ang […]
-
Jesus; Matthew 11:28
Come to me.