• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.

 

Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.

 

 

 

Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station 10 ay bunsod sa pag-aresto sa reporter ng radio station ng PTV 4 (Radyo Pilipinas) na si Lorenz Tanjoco.

 

Kabilang sa mga sinibak ay sina  PLt Joel Pinon  bilang Beata PCP Commander, PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charles Bronzon Dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya at Pat Jonathan Abad.

 

Linggo ng hapon ng masita sa chekpoint si Tanjoco dahil sa walang suot na facemask dahil sa kadahilanang natanggal ito habang nagmomotorsiklo.

 

Sa kabila ng paliwanag ni Tanjoco ay tinuluyan pa rin at dinala sa Baeta Police Community Precinct kung saan siya ikinulong na tumagal na mahigit sampung oras bago ito tuluyang pinalaya.

 

Ayon kay Francisco, ang mga pulis na ito ay inilipat na sa DIDMD/D7 ng MPD habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.

 

Ang agarang pagkakasibak sa puwesto ng mga tauhan ng MPD ay nangangahulugan na hindi kinukunsinti ni Francisco ang abusadong mga pulis sa kanyang panunungkulan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 8 aplikante sa inisyal na listahan ng kandidato para sa Maharlika Investment Corp.-DBM

    MAY walong aplikante ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging bahagi ng board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC).  Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman  na “Yung info na nabigay sakin nung una, but this was two weeks ago when we started, parang there’s already seven to eight… Private mostly, walang government.” Ang MIC  […]

  • PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight

    The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]

  • Ibinida rin ang first piano recital ni Zia: DINGDONG, pinasalamatan si MARIAN at tinawag na ‘incredible woman’

    KAPURI-PURI talaga ang mga ginagawa ni Marian Rivera, lalo na pagdating sa kanilang pamilya, kaya naman tinawag ni Dingdong Dantes ang kanyang misis na isang ‘incredible woman’.     Sa Instagram post ng Kapuso Primetime King noong May 1, ibinahagi niya ang mga larawan ng asawa na kung saan nagpa-pack ito ng mga goodies para […]