OPISYALES SA ‘pastillas modus’, sibak kay digong
- Published on February 21, 2020
- by @peoplesbalita
SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme ilang libong piso.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabe at matinding uri ng katiwalian ang bagong anomalya sa BI na “pastillas” bribery scheme at hindi kailanman palalampasin ng administrasyon.
Ayon kay Panelo, gaya ng paulit-ulit nilang sinasabi, walang “sacred cows” sa administrasyon at sinumang opisyal na magkakasala sa kanilang pagpapatupad ng tungkulin ay mapaparusahan.
Sa susunod na Cabinet meeting, tatalakayin umano ang isyu ng bribery sa Immigration.
“President Rodrigo Roa Duterte has relieved all officials and employees of the Bureau of Immigration who are involved in the latest bribery scheme where they purportedly facilitate the entry into — and exit from — Philippine territory of foreigners working for Philippine offshore gaming operators (POGOs) for an unauthorized fee,” ani Panelo.
Wala namang ideya ang kalihim kung ilang opisyal at empleyado ng BI ang kasama sa nasabing hakbang ng Punong Ehekutibo subalit ang alam niya ay nakitaan ng probable cause o prima facie kaya’t nagawa ito ng Pangulo.
Ang kasalukuyang situwasyon ngayon sa BI, at kung paano ito pinatatakbo ni Commissioner Jaime Morente, ay tatalakayin sa susunod na cabinet meeting.
Nananatili namang may tiwala si Duterte kay BI Commissioner Jaime Morente sa kabila ng may isyu ng pastillas scheme.
Matataandaan na pinag-utos na ng BI Commissioner na imbestigahan ang pastillas modus kung saan pinagbabayad ang mga Chinese ng P10,000 para mapadali ang immigration process paglapag sa Pilipinas.
“The President considers this anomaly, which some define as the ‘pastillas scheme’ as a grave form of corruption which cannot be countenanced by the government,” ayon kay Panelo.
Maging ang mga terminal head ng Ninoy Aquino International Airport at ang hepe ng travel control and enforcement unit ay inalis sa pwesto kasunod ng imbestigasyon.
“Any official or employee who commits any wrong in the performance of their respective duties shall be meted out with the punishment that they deserve and in accordance with our penal laws,” saad pa.
Samantala, lumantad na sa Senado kahapon (Huwebes) ang whistleblower kung saan binunyag nito ang sindikato sa Immigration na nasa likod ng multi-billion “pastillas” money-making scheme.
Inihayag ni Allison Aguas Chong, immigration officer sa BI Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na simula nang tanggalin ng Department of Justice (DOJ) ang overtime pay ng immigration officer, doon na nagsimulang gumawa ng iligal ang ilang kawani ng BI.
At para mapunan ang bawas sa kanilang suweldo, ilang immigration officer ang nag-alok ng mga “VIP service” para sa mga immigrant partikular ang mga casino high-roller.
Ang VIP service ay kinasasangkutan ng mga immigration officer na tumatanggap ng P2,000 kada high-roller kapalit ng mabilisang pagpapalusot sa kanila.
Nang makitang may pera sa operasyon, nagdesisyon ang mga hepe ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) na sina Bien Guevrra, Glen Comia at Den Binsil, na dating tauhan ni Ports Operation Division chief Red Marinas, na i-takeover ang operasyon.
“These Chinese nationals were no longer required to under screening; they will simply let inside the Philippines without question or investigation,” sambit pa nito.
Sabi pa ni Chong, binura ang unang Viber Group Chat nang mag-imbestiga ang National Bureau of Investigation kaugnay ng iligal na aktibidad ng mga immigration officer.
Para maiwasang mabuking, nag-iba ng galaw ang operasyon ng grupo kung saan bawat Chinese ay sinasamahan na lang ng mga ito sa holding area ng TCEU.
Isang miyembro ng TCEU ang titingin kung ang pangalan ng isang Chinese ay nasa master’s list.
Kung nandoon, agad itong papayagang makapasok sa Pilipinas na hindi na dadaan sa screening o profiling.
Pinangalanan pa ni Chong ang nasa likod ng sindikato sa BI, kabilang dito sina Totoy Magbuhos, Deon Albao (alias “Nancy”), Paul Borja (alias “Lisa”), Anthony Lopez (alias “AL”) at Dennis Robles (alias “DR”).
Sabi pa ni Chong, kahit na wala na sa BI sina Guevarra, Comia at Binsol, napapatakbo pa umano nila ang kanilang operasyon sa Terminal 3.
Bawat immigration officer, ani Chong, ay tumatanggap ng P20,000 kada linggo para sa naka-assign sa Terminal 1 at P8,000 kada linggo naman para sa mga nakatalaga sa Terminal 3.
Ayon pa kay Chong, nagdesisyon siyang lumantad at tumestigo nang mapanood sa TV ang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros sa isyu ng tumataas na bilang ng prostitusyon sa POGO.
“I was compelled to come forward and share what I know based on my personal knowledge as a frontline immigration officer,” sambit pa nito. (Daris Jose/Ara Romero)
-
ALDEN pangungunahan ang pagbabasa ng mga kabanata sa double book launching ni RICKY LEE
MAGKAKAROON ng double book launching ng mga bagong libro ni Ricky Lee. Ang Servando Magdamag At Iba Pang Maiikling Kuwento at ang graphic novel adaptation ni Manix Abrera ng Si Amapola, ngayong darating na Dec 14 (Tue), 5:30pm (ph time) via Zoom. Makakasama bilang mga tagapagbasa sina John Arcilla, Agot Isidro, […]
-
“NO HARD FEELINGS”, STARRING JENNIFER LAWRENCE, MARKS THE RETURN OF RAUNCHY COMEDIES
ONE night during dinner, Jennifer Lawrence asked her friend, writer-director Gene Stupnitsky what he was currently working on. Stupnitsky, a former co-head writer for The Office and writer/director of the hit comedy Good Boys, shared his inspiration: a real-life Craigslist post that producers Marc Provissiero and Naomi Odenkirk had found. And […]
-
Bulacan gob, pinaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa dengue
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na maging mapagmatyag sa dengue na hindi na lamang sakit na pangtag-ulan kundi pang buong taon na. Ito ay sa kabila ng naitalang pitong porsyentong mas mababang kaso sa lalawigan kumpara sa nakalipas na taon. Ayon sa Epidemiology and Disease […]