• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Oplan Biyaheng Ayos’ ikinakasa ng PITX, para sa Semana Santa

NAGHAHANDA na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mahigit 1.2 milyong pasahero na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa.

 

 

“The expectation of more than a million passengers stemmed from the observation that passengers will travel earlier to avoid the holy week exodus within the metro, with this, we are prepared in ensuring the commuting public’s welfare through the Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023” , ani Jason Salvador, Corporate Affairs and Gov›t Relations Head ng PITX.

 

 

Ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Ang Semana Santa’ ay isang inisyatiba kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng; Department of Transportation (DOTr), Metro Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), at Red Cross – Parañaque Chapter para sa maayos at ligtas na paglalakbay ng mga biyahero ngayong Holy Week.

 

 

Itatayo ang DOTr Malasakit Help Desk (MHD) simula Abril 1 sa main entrance (Entrance 2) ng terminal na may kinatawan ng  DOTr, I-ACT, LTO, LTFRB, MMDA.

 

 

Ang Red Cross Parañaque Chapter ay nagde-deploy ng mga Emergency Medical Technicians sa mga kaso na nangangailangan ng basic life support. Ang PNP ay nagsasagawa rin ng 24-hour mobile patrol, na may karagdagang K-9 units upang higit pang paigtingin ang mga hakbang sa seguridad sa paligid ng lugar.

 

 

Samantala , ang LTO naman ang magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng PUV para matiyak ang  road worthy at ang mga driver ay physically at mentally fit at wala sa  impluwensya ng alak at ipinagbabawal na droga.

 

 

Nagbigay na ng special permit ang LTFRB sa 22 units para dagdagan ang supply ng mga bus na bumibiyahe sa Bicol Region para makapagsilbi ng mas maraming pasahero. Magde-deploy din ang ahensya ng mga tauhan sa ground para mag-isyu ng mga ­espesyal na permit sa mga karagdagang bus, real time, kapag kailangan.

 

 

“PITX is equipped to accommodate passengers and provide them with a comfortable travel experience “Our restrooms are well-maintained; seats are provided for waiting passengers; we have fast connection with our free WiFi; we also have designated char­ging stations care of SMART, and there’s a variety of retail and food options available for everyone,” dagdag pa niya. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Un/Happy For You’ ng JoshLia, higit P100M ang kinita: GERALD, ‘di itatago dahil ipagmamalaki ‘pag ikakasal na kay JULIA

    KUNG ilang beses nang naging usap-usapan ang sinasabing pagpapakasal diumano nina Gerald Anderson at Julia Barretto.       Sey pa ni Gerald ay hindi raw naman niya itinatago at lalong hindi niya dapat niya ililihim ang paglagay sa tahimik Nila ni Julia.       Dagdag pa ng Kapamilyang aktor na kung sakali mang […]

  • Sinulat ang ‘Binabalewala’ para sa mga hopeless romantic: ANTON, ‘di malilimutang nabalewala dahil sa kanyang height

    INI-RELEASE na ng singer-songwriter na si Anton Paras ang kanyang bagong komposisyon na may titulong ‘Binabalewala’ na mula sa AltG Records.     Binubuo at isinulat niya ang kanta noong kalagitnaan ng 2021. Tungkol ito sa mga taong gumagawa ng maraming pagsisikap na ipakita ang kanilang mga damdamin patungo sa kanilang bagay ng pagmamahal ngunit […]

  • PBBM, nagpalabas ng EO para baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang produkto

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order na naglalayong baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang kalakal para pahinain ang ‘inflationary pressure’ at protektahan ang ‘purchasing power’ ng mga Filipino.       Sa ilalim ng Executive Order No. 62, ang ilang kalakal gaya ng ‘animal products, plants, pharmaceutical needs, chemicals, […]