Oplan sita tinakasan, rider na walang helmet buking sa baril
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa selda ang isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ dahil walang suot na helmet sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang naarestong suspek na si alyas “Jhon”, 21, ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa report ni PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS1) sa kahabaan ng Lanzones Road, Brgy. Potrero nang parahin nila ang suspek na sakay ng motorsiklo dahil walang suot na helmet dakong alas-9:15 ng gabi.
Sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng suspek ang minamanehong motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang makorner sa Orange Road at maaresto.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang cal. 9mm revolver na kargado ng limang bala at nang hanapan siya ng papeles hinggil sa ligaledad nito ay wala siyang naipakita kaya binitbit siya ng pulisya. (Richard Mesa)
-
‘Sabay tayo magbitiw sa Comelec’
HINAMON ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon si commisioner Aimee Ferolino — kapwa humahawak sa disqualification case ni presidential candidate Bongbong Marcos at ponente nito — na mag-resign kasabay niya ngayong nadadawit sa kontrobersiya ang poll body. Biyernes lang nang sabihin ni Guanzon na may “senador” sa likod ng “unreasonable delay” […]
-
Minsan nang ikinahiya ang amang nakakulong: FAITH, matagal nang napatawad ang dating aktor na si DENNIS
PINATAWAD na pala ng Sparkle actress na si Faith da Silva ang kanyang amang si Dennis da Silva. Naging emotional si Faith sa pagsabi na pinatawad na niya ang kanyang ama sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’. Inamin din niya na minsan na niyang ikinahiya ang kanyang amang nakakulong. “Actually medyo matagal-tagal nang napatawad ko […]
-
Booster shots sa healthcare workers sa Quezon City, lumarga na
Umarangkada na rin ang pagbibigay ng booster shots ng Quezon City government sa mga healthcare workers kahapon. May inisyal na 5,000 healthcare workers at non-medical personnel sa health facilities ang bibigyan ng booster shots mula kahapon hanggang sa Biyernes sa ibat- ibang vaccination sites sa Rosa Susano Elementary School, Pinyahan Elementary School at […]