• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oras ng operasyon ng malls, binago – MMDA

TULUYAN nang binago ang oras ng operasyon sa mga shopping malls sa Metro Manila nang itakda ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Ito ang napagkasunduan  ng MMDA at mga mall owners at operators na mag-uum­pisa sa Nobyembre 14, 2022 at magtatapos hanggang Enero 6, 2023.

 

 

“Starting November 14, malls in NCR will operate from 11am to 11pm instead of their usual operating hours. We have to implement remedial measures to reduce traffic congestion,”ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes.

 

 

Sinabi ni Artes na sinadya nilang hilingin sa mga mall owners at operators ang adjustment sa operating hours ng mga malls dahil sa inaasahang mas mabigat na trapiko ngayong Christmas season lalo na at nagluwag na sa protocols sa COVID-19 ang gobyerno.

 

 

Samantala, isasagawa na lamang ang mga mall sales ng weekends habang ang mga delivery ng mga produkto ay itatakda ng alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw na lamang para hindi maka­dagdag sa bigat ng trapiko.

 

 

“Exempted from the regulation are deliveries of perishable goods, restaurants ser­ving breakfast, and groceries,” saad ni Artes.

 

 

Pinagsusumite rin ng MMDA ang mga mall ­operators ng kani-kanilang “traffic management plans” at kung kailan sila magsasagawa ng mall sales at promotional events dalawang linggo bago ang iskedyul nito para mapaghandaan din ang pagtulong ng ahensya sa trapiko. (Daris Jose)

Other News
  • ILANG KALSADA, DI PA RIN MADAANAN-DPWH

    NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH)  na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa.     Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance […]

  • PDU30, kinuwestiyon ang mga senador kung bakit ang contractor na sangkot sa di umano’y overpriced Makati building ang magtatayo ng bagong Senate infra

    KINUWESTIYON ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador kung bakit ang construction firm na sangkot sa di umano’y overpriced Makati City building at Iloilo Convention Center ang magtatayo ng bagong P8.9-billion Senate building sa Taguig City.   “May I ask the senators if it is true that the Hilmarc’s is the contractor of the […]

  • Psalm 66:20

    Blessed be God who did not withhold his love from me.