• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Orbon namemeligro sa WOQT

MABIGAT ang kinakaharap ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim sa pagparito mula Estados Unidos ni Filipina-American Joan Orbon upang sumama sa national karate team sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.

 

Dahilan ito sa napakahigpit na Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) health protocol paalis ng Amerika at papasok sa Pilipinas. Dagdag pa ang mabilis kumalat at makahawang bagong variant ng pandemya kaya maraming bansa na ang bansa para pumarito.

 

Kaya nag-iisang babaeng pumasok nitong Biyernes, Enero 15 sa ‘Calambubble’ si Jamie Christine Lim para sa nabanggit na sport ‘binyagan’ sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset sa parating na Hulyo.

 

Kasama ng 30th Southeast Asian Games PH 2029 gold medalist karateka ang kapwa World Olympic Qualifying Tournament (WOQT) hopefuls sa Paris, France sa Hunyo 11-13 na sina Sharief Afif, Ivan Agustin, Alwyn Batican, Jayson Ramil Macaalay at Norman Montalvo.

 

Sa Europe naman patuloy na nagti-training camp si Fil-Japanese  Junna Tsukii. (REC)

Other News
  • MRT-3, hindi ipinagbibili- DOTr

    HINDI  ipinagbibili ng pamahalaan ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).     Ito ang ginawang pag­lilinaw ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng mga naglabasang ulat na ‘for sale’ na umano ang MRT-3.     Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ikinukonsidera lamang nila ang posibilidad na i-turn over ang Operations & Maintenance (O&M) […]

  • Subi Reef, ‘anchoring hub’ ngayon ng mga barko ng tsino sa WPS

    NAGSISILBI ngayong ‘anchoring hub’ ng Chinese ships ang Subi Reef sa West Philippine Sea (WPS).     Ito ang naging pahayag ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad bilang tugon nang hingan ng komento ukol sa patuloy na presensiya ng Chinese ships sa Ayungin Shoal, Escoda Shoal at Pagasa […]

  • Kabisera ng marathon sa Pilipinas

    LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’.   Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang […]