• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Orbon, Tsukii, iba pang karateka di sasantuhin ang COVID-19

WALANG paki sa novel coronavirus o COVID-19 sina Fil-Am Joan Orbon, foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap Junna Tsukii, habang binabasa ninyo ito ay tapos na ang kanilang nilahukang United Arab Emirates World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16.

 

Mula sa Manila sina Orbon at Arpa na pumunta ng UAE nitong Miyerkoles ng ika-12 ng Pebrero, habang mula sa Kazakhstan training camp si Tsukii na gaya ni Orbon ay paghahabol na mga mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

 

Mahalaga kay Orbon ang torneo na nagsisilbing exposure matapos maging inactive sa nakalipas na siyam na buwan bilang paghahanda sa huling Olympic qualifying event sa Mayo sa Paris, France.

 

Malakas naman ang tsansa ni Tsukii na makapuntos sa Dubai Premier League dahil hindi kasali ang karibal na Chinese karateka na world No. 3 sa rankings ng women’s -50kg dahil sa ipinapatupad na mga travel ban sa mga Chinese national na pinagmulan ng COVID-19.

 

Napag-iiwanan si Tsukii sa puntos ng Chinese nang mahigit 1,000 para sa No. 2 spot na siyang may silya sa Continental quota para sa Tokyo Games bago mag-deadline para sa direct qualification sa Abril 6.

 

‘Di rin makakalahok ang ilang world ranked karatekas sa torneo na mga umatras sa karatefest dahil sa pangamba sa paglaganap ng nakamamatay na virus.

 

Ang kawalan ng mga top ranked karateka sa Dubai Premier League ang magpapalakas sa kampanya ni Tsukii lalo kung makamedalya upang makadikit sa Chinese.

 

Sasalang pa ang dalawang karatista sa Salzburg Premier League sa Peb. 24-Marso 1 sa Austria at WKF Premier League sa Rabat, Morocco sa Marso 9-12.

 

Magbabalik sina Orbon at Arpa sa Maynila ngayong Lunes ng umaga para makasama ang iba pang miyembro pambansang koponan na sina Jaime Lim, Ivan Agustin, Sharif Affif, Alwin Batican at coach Junel Perania, na lulusob naman Ukraine kinagabihan para sa training at exposure sa Ukraine Premier League sa Marso 21-22.

 

Dederetso ang limang karateka sa Turkey training camp bilang paghahanda sa huling Olympic qualifier sa Paris, France sa Mayo kung saan ang top three finishers ay awtomatikong susulong sa quadrennial sportsfest.
Good luck guys, bring home the bacon of any color!

Other News
  • Istasyon ng LRT 2 may connection na sa Sta. Lucia Mall

    PINASIYANAN at binuksan kamakailan lamang ng Sta. Lucia Land Inc. ang Sta. Lucia Link sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ng istasyon ng Marikina-Pasig na magbibigay ng direct access sa office spaces at Sta. Lucia East Grand Mall.     Sinabi ni VP Rose Santos ng Sta. Lucia Land na ang pagbubukas ng Sta. […]

  • Ipasa ang Anti-Endo Law

    KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.   Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong […]

  • Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas

    Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas.     Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924.     Alinsunod sa […]