• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ORDINANSA ng QUEZON CITY TUNGKOL sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT

Nag viral ang isang kaganapan sa Quezon City ng diumano ay pinaghuhuli ang mga pasahero sa pampasaherong bus dahil wala silang suot na faceshield. Pinababa daw ang mga ito at tinikitan at pinagmulta.  Depensa ng mga nanghuli ay may ordinansa ang QC – ordinance number 2965 – “mandating the wearing of face shield in public transport, workplace, markets and other identified commercial establishments within the territorial jurisdiction of QC.”

 

 

Nagreklamo ang mga pasahero dahil sa abalang dulot ng panghuhuli. Tama ba ang huli? Suriin natin ang nakasaad sa ordinansa:

 

 

 Sec 3. All persons, AT ALL TIMES, wear a face shield on top of a face mask while on board PUBLIC TRANSPORTATION, market or in indoor and enclosed spaces of identified commercial establishments and workplaces in QC regardless of the length of time in such public transportation…

 

 

Ibig sabihin ay dapat naka face shield ang pasahero habang nakasakay sa public transportation. Kung ito lang ang nabasa ng enforcer na provision ng ordinansa ay tama nga ang panghuli nila. Pero may karugtong pa ito:

 

 

However, FACE SHIELDS ARE NOT REQUIRED TO BE WORN BY SAID PERSONS IF THEY ARE SEPARATED BY A GLASS, ACRYLIC, PLASTIC OR SIMILAR NON- PERMEABLE MATERIALS THAT CREATES A BARRIER BETWEEN THEIR FACES.

 

 

Alinsunod sa polisiya ng LTFRB ay may mga plastic barrier na ang mga upuan ng mga pampublikong sasakyan sa pagitan ng mga pasahero. Kung ang mga hinuling pasahero ay nakasakay sa mga public transport na may “PLASTIC THAT CREATES A BARRIER BETWEEN THEIR FACES” hindi na required ang faceshield.

 

 

Nagumpisa ang pag-require na mag faceshield ang mga pasahero ng ipag-utos ng DOTr na kapag walang faceshield ay bawal makasakay sa public transport. Pero walang multa. Bawal lang sumakay. May mga LGU tulad ng QC na ginawang requirement ito habang nakasakay ang pasahero. May nagsasabi na “anti-poor” ang ordinansa dahil mga pasahero lamang ang pwede hulihin. Ito ay dahil malinaw na sa “PUBLIC TRANSPORT” lamang maaring ipatupad ito at hindi sa mga pribadong sasakyan.

 

 

Marahil kailangan ng paguusap sa pagitan ng mga LGU at transport sector para maging tama ang implementasyon ng ordinansa.

 

 

O baka tama nga si Yorme at iba pa na nagsasabing ang Pilipinas na lang ang nagpapataw ng parusa sa hindi pagsuot ng face shield.

 

 

Sabi ng DOH ang faceshield ay additional protection “laban sa COVID-19” pero sapat na, na naka facemask at may social distancing.

 

 

Kailangan suriin muli ang polisiya sa pagsuot ng faceshield upang hindi maging additional na pahirap sa ating mga mamamayan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

    ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo […]

  • DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations

    PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.   Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong […]

  • Ads April 14, 2023